PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lucy Torres-Gomez bares it all in "Hi!" magazine

"Hi!" magazine talks about the heartrending break-up of Ruffa Gutierrez and Yilmaz Bektas.
by Kate Borbon
Published May 17, 2007
Hi! magazine presents the two faces of showbiz. Lucy discusses her marriage, while Ruffa talks about her split with Yilmaz. Piolo speaks up about rumors linking him to Yul Servo and Sam Milby, plus, he reveals how he felt after Rica Peralejo "denied" the real score between them.



Hitik na hitik katulad sa isang punong mangga ang June issue ng Hi! magazine. Sasabay sa buhos ng ulan ang mga istorya na tiyak na bubusog sa lahat sa pagbubukas muli ng klase.

Noong nakaraang Holy Week, tunay ngang haven ang Boracay para sa ilang celebrities na gustong magliwaliw at magpahinga. Pagbukas pa lamang ng Hi!, makikita na ang mga fun moments at snapshots ng mga celebrities habang ini-enjoy ang sea and sand ng Bora.

At dahil "Buwan ng Kasalan" ang Hunyo, mga isyu tungkol sa mga celebrity couples ang dagdag na hain ng Hi! Una na rito ang mga detalye sa likod ng hiwalayan sa pagitan ng "Royal Couple" na sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas. Inusisa ng Hi! ang lahat ng kaganapan mula sa pagbabalik ni Ruffa sa Pinas hanggang sa lumabas ang balitang "annulment" na kinumpirma rin ng aktres.

Muli namang nagbabalik sa cover ang napaka-pretty na si Lucy Torres-Gomez. Ibinulalas ng Shall We Dance host ang kanyang mga secret sa pagpapanatili ng kanyang beauty at ng kanyang marriage with Richard Gomez. Nagkuwento rin siya tungkol sa katatapos lang na eleksyon, kung saan tumakbo ang kanyang asawa bilang senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging si Kris Aquino ay nagdetalye rin sa Hi! ng mga pangyayari sa buhay niya during her first public appearance after giving birth to Baby James. For sure, matatakam ang readers sa mga ibinahagi ni Kris tungkol sa pagiging full-time mom kay James at pagkakaroon ng isang teleserye na ite-tape sa third quarter ng taon.

Samantala, sinagot naman ni Piolo Pascual ang mga issue tungkol sa pagkaka-link niya kina Sam Milby at Yul Servo. Inamin rin ni Piolo sa Hi! ang kanyang nararamdaman pagkatapos siyang i-deny ni Rica Peralejo.

Lahat ng 'yan at iba pang interesting at fun stories ang hatid ng Hi! ngayong Hunyo. So go and grab a copy now at your favorite magazine stands and bookstores nationwide!
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hi! magazine presents the two faces of showbiz. Lucy discusses her marriage, while Ruffa talks about her split with Yilmaz. Piolo speaks up about rumors linking him to Yul Servo and Sam Milby, plus, he reveals how he felt after Rica Peralejo "denied" the real score between them.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results