2006 Mr. Pogi winner Edgar Allan Guzman was supposed to be part of Star Magic's Batch 15, but it was discovered that he still has a one-year managerial contract with TAPE, Inc. This prompted Star Magic to drop him from the latest batch of stars that they will launch this May. Photo: Noel Orsal


Sa katapusan ng May pa lang ilu-launch formally ang Batch 15 ng Star Magic of ABS-CBN, which is also commemorating its 15th year of operation.

 

While nag-promise sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang head of Star Magic na si Ms. Rikka Dylim na magbibigay ng ilang advanced writeups of some of the members of this newest batch of stars, coincidence na nagkita kami ng Mister Pogi 2006 winner ng Eat Bulaga! na si Edgar Allan Guzman and his handler sa ABS-CBN compound.

 

Tinanong namin siya kung ano ang ginagawa niya sa Kapamilya Network. Nasabi niya nga sa amin that he will be part of the Star Magic Batch 15 and even confirmed the date of their press launch.

 

Lumabas agad ang pagkikita namin ni Edgar dito sa PEP. Nabasa ito ni Ms. Malou Choa-Fagar, VP and COO of TAPE, Inc. and Eat Bulaga!, kung saan naka-kontrata si Edgar Allan bilang 2006 Mr. Pogi winner. He recently finished his Eat Bulaga! contract of one year along with his two consorts kung kaya't hindi na sila napapanood sa noontime show ng GMA-7.

 

Ang hindi nasabi ni Jun Reyes, manager ni Edgar Allan, sa Star Magic ay may pangalawang kontrata pa si Edgar Allan. Isang taon ang contract ng binata to be part of Eat Bulaga! ngunit two years managerial contract ang pinirmahan niya at magtatapos ito next year pa.

 

Nang nalaman ni Ms. Dylim ang second contract, tinawagan niya agad si Ms. Malou to clear this up.

 

Sabi raw ni Ms. Malou, good thing Ms. Dylim called up dahil she is actually about to write a letter to Star Magic. May two-year live contract pa nga si Edgar Allan sa TAPE, Inc. kung kaya't hindi pa siya puwedeng makapirma ng isa pang managerial contract.

 

Pinakawalan na lang ng Star Magic si Edgar Allan para walang gulo. So, ang ending, he won't be part of Star Magic Batch 15 anymore.