Rumor has it that StarStruck Batch 2 Avenger Megan Young is moving to ABS-CBN to join her younger sister, Lauren Young (not in photo). Photo: Noel Orsal

One of the most outstanding StarStruck Batch 2 Female Avengers na nasilat sa Final Four during her time, Megan Young is also one of the most underused of their batch. After an introductory role sa GMA Films' Lovestruck, hindi nagkaroon ng regular show si Megan kundi puro recurring roles lang.

Kasabay niya namang nai-launch sa ABS-CBN ang kanyang younger sister na si Lauren Young sa Batch 13 ng Star Magic at napasok din sa Star Magic Presents: Abt Ur Luv.

Ngayon, hamak na mas visible ang younger Young kaysa sa older Young dahil nakadalawa pang StarStruck editions, ang 3 and 4, at parang nawala nang tuluyan si Megan.

Recently, nag-lapse na ang contract ni Megan sa GMA Artist Center.

An insider told us na lilipat na si Megan sa ABS-CBN at malamang, makakasama ang kanyang kapatid sa show nitong Star Magic Presents: Abt Ur Luv (Ur Lyf 2) na nag-third season na.

Wala na raw legal impediment si Megan sa GMA Artist Center dahil lapse na nga ang contract nito at hindi nahabol para ma-renew. Although now that it has leaked out, pinapapirma raw ulit ngayon si Megan dahil balitang may first option to renew ang old contract ni Megan.

Another insider told us na wala nang ganitong option ang contract ni Megan. It was her first contract na may option-to-renew clause na na-renew nga.

If ever, Megan will be the first StarStruck star na lilipat sa ABS-CBN.

No StarStruck star has moved to ABS-CBN, the same way no Star Circle Quest star—ang counterpart ng ABS-CBN sa GMA-7 artista search—na lumipat. Although once, Hero Angeles threatened to do so, hindi nga lang natuloy.