Singer Aiza Seguerra (right) and Chen Sarte (left) are very much together. Photo: Enie Reyes



Twice nang nakakasalubong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mahusay na mang-aawit na si Aiza Seguerra, na out-and-out sa pagsasabi at pagpapakita ng kanyang sexual preference. Una, sa dressing room ng mga guests ng Homeboy last Tuesday, June 12, pero hindi namin siya naistorbo dahil kailangan na silang isalang sa taping. Ang ikalawa ay last Friday, June 15, sa cashier ng Fully Booked sa Gateway.



Nagkumustahan kami at nausisa pa namin ang binibili niya.



"Book ni Paulo Coelho," sabi ni Aiz, at idinagdag din niyang naghahanap siya ng isang showbiz magazine.



Tinanong namin si Aiza kung bakit siya naghahanap ng nasabing magazine.



"Naku, may nagsulat daw na break na kami ng lovey-dovey kong si Chen. Nakakagulat nga, e, kasi hindi totoo. Di ko naman malaman kung saan naman nila napulot ‘yong ganoong balita," sagot ng singer-actress.



Hinanap namin kay Aiza ang kanyang girlfriend na si Chen Sarte.



"Nandiyan siya sa labas, nag-iikot-ikot nga lang kami, e. And meron nga pala kaming ipo-produce na show sa bar ni Mamu [Andrew de Real] sa Biñan, Laguna. Dun kami abala ng honey ko pag wala akong mga gigs. We're into producing shows na rin. Kaya bakit nasusulat na wala na o naghiwalay na o break na kami?" nagtataka niyang sabi.



Ano naman ang puwedeng maging dahilan para mag-break sila ng kanyang mahal?



"Nakakatawa! Nananahimik kami, e. Siguro nakita lang na hindi kami magkasama, ganon," sabi niya.



Ano naman ang reaksiyon ni Chen nang mabalita na break na sila?



"Wala," sagot ni Aiza. "Pareho kami. Tumawa na lang kami. Gusto ko lang mabasa kung ano ‘yong nasulat."



Aiza was not able to get a copy of the magazine she was looking for na nandoon ang item about her and Chen. Pero nakita ko na tuwang-tuwa siya when she got hold of a copy of Coelho's book. Later on ay nakita na namin silang magkasama sa pagsa-shopping.