(From left) Alfonso Martinez, Megan Young, and Gian Sotto are three of "showbiz royalties" that Star Magic will be launching tomorrow. Photo: Alex Datu (Alfonso), Noel Orsal (Megan) & YES! (Gian)

 

Last month, in commemorating its 15th anniversary, Star Magic introduced its new batch of stars under Star Magic Batch 15. Puro mestiso ang karamihan sa mga ipinakilala and, except for Franz Pumaren na anak ng isang basketball player and Martin del Rosario na pamangking buo ni Ces Quesada, most have no showbiz connection.

 

This Tuesday, June 19, may mga bagong ipakikilala ang Star Magic—mga "showbiz royalties" due to their lineage, kung kaya't sinadya siguro na hindi isama sa Batch 15.

 

Isang rose among the thorns si Megan Young, ang StarStruck 2 Avenger na kapatid ng Star Magic Batch 13 member Lauren Young na regular cast of Star Magic Presents: Abt Ur Luv (Ur Lyf 2). Si Megan ang kauna-unahang StarStruck graduate na nag-cross over sa ABS-CBN.

 

Joining Megan are Alfonso Martinez, Gian Sotto, Michael Manahan, and Michael Manotoc.

 

Si Alfonso ang panganay na lalaki ng mag-asawang Albert at Liezl. Tulad ni Christopher Gutierrez, apo rin si Alfonso ng isang queen of Philippine movies, si Ms. Amalia Fuentes.

 

Si Gian naman ang kaisa-isang anak na lalaki nina former Senator Tito Sotto and Helen Gamboa.

 

The first Michael is the nephew of the head of Star Magic, director Johnny Manahan; the second Michael naman, kapatid ni Borgy Manotoc at anak ni Representative Imee Marcos.