"So, before siya nanganak, tumawag siya two days before and the day before. Sabi niya, ‘O, you come tomorrow ‘coz Saturday [July 21], manganganak na ako.
"Pero pagtawag ni Marjorie nung Friday [July 20), nanganak na pala [si Claudine]. So, hindi ko naabutan kasi, it was 7:44 in the morning. Pag-on ko ng celfone ko, nanganak na siya!
"Dinalaw ko siya sa hospital and then the next day, nung birthday niya, ang dami-daming tao. E, hindi ako puwede in a public place kasi I cannot catch any virus dahil si Tony, hindi puwedeng mahawa, di ba? So, hindi ako puwedeng pumunta roon. Kasi ang daming tao and I'm not supposed to kiss anyone," nakangiting kuwento ni Greta.
At the height of the "kisscandal" with John Estrada na pinili niyang huwag magsalita at sumagot sa isyu, Claudine was very vocal in defending Gretchen.
Na-touch ba siya sa ginawang ‘yon ng kanyang nakababatang kapatid na matagal na panahon din niyang nakahidwaan at recently lang sila nagkabati?
"Mahirap, kasi ang gulo-gulo ng nangyayari noon. So, parang ayoko lang sanang lalong gumulo. Pero siyempre, I appreciate the concern," kaswal na sagot niya.
JANICE. At one point during the dinner for Tito Dougs ay dumating ang alaga niyang si Janice de Belen, ex-wife ni John Estrada. Aminado si Greta na nakaramdam siya ng pagkailang nang umentra si Janice.
"Uncomfortable siyempre, di ba? Pero ano naman siya, e...parang she doesn't really care, di ba?
"So, parang she made me feel comfortable, na I guess she's happy with her life. Wala naman na sa kanya ‘yon, e, di ba? Si Nadia [one of Gretchen's closest friends] lang talaga ang affected!" halakhak ni Gretchen.
This afternoon, July 28, mapapanood sa Startalk ang full interview kay Gretchen.



0

