"She's funny, confident siya, hardworking, and of course, maganda siya. Even bagong gising, maganda siya. Hindi lang sa labas siya maganda, pati kalooban niya, maganda," says Paul Soriano (right) about his girlfriend Toni Gonzaga (left). Photo: Noel Orsal (Toni) & Alex Datu (Paul)


Sumalang bilang guest sa pilot episode ng bagong entertainment-variety show ng ABS-CBN na Entertainment Live! Direk Paul Soriano, ang boyfriend ni Toni Gonzaga. Si Toni ang isa sa mga host ng programa, kasama sina Mariel Rodriguez at Bianca Gonzalez.

 

Pagkatapos ng kanyang guesting ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang batang direktor at inusisa namin kung paano sila nagkakilala ni Toni.

 

"Na-meet ko siya last October sa concert ni Gary Valenciano sa Music Museum na Gary V @ 23. Nanood siya ng concert, ako ang direktor ng concert," kuwento ni Direk Paul, na apo ng dating aktor na si Nestor de Villa at anak ng direktor ding si Jeric Soriano.

 

Na-attract ba siya agad kay Toni nang una niyang makilala ang dalaga?

 

"Oo, siyempre naman!" mabilis na sagot ni Paul. "She's very beautiful. So I've got to know her, 'di ba?" sagot niya.

 

Matagal din daw niligawan ni Paul si Toni bago siya sinagot nito. "Almost nine months ko rin siyang niligawan," aniya.

 

Maraming nanligaw kay Toni, isa na rito si Lucky Manzano. Pero hindi pinalad ang binata nina Vilma Santos at Edu Manzano na mapasagot si Toni. Ano sa tingin ni Paul ang ang nakita sa kanya ni Toni kaya napaibig ang dalaga sa kanya?

 

"I guess, 'yung pagiging pareho kaming Christian. Siguro nakatulong 'yon kaya nagustuhan at napasagot ko siya," sabi niya.

 

"Importante sa akin, na gusto ko sa babae, in-love siya kay God muna. Tapos, in love siya sa akin. Kaming dalawa, in love muna kay God. 'Yung second step, in love na kami sa bawat isa. I guess that's one of the main reasons why we got together."

 

Bukod sa pagiging malapit ni Toni sa Diyos, ano pa ang mga katangian nito na nagustuhan niya?

 

"She's funny, confident siya, hardworking, and of course, maganda siya. Even bagong gising, maganda siya. Hindi lang sa labas siya maganda, pati kalooban niya, maganda," papuri ni Paul sa kasintahan.

 

Bukod sa pagiging host at singer ay gumagawa rin ng pelikula si Toni. Hindi ba siya nagsi-set ng limitation kay Toni pagdating sa mga roles o pagtanggap ng pelikula?

 

"Hindi naman, that's up to her," sabi ni Paul. "I won't tell her what to do, what not to do. I'm not naman super-seloso. That's her work and I trust her naman. Sinabi ko nga sa kanya, ‘I trust you with the project you choose.' And I know that she always prays to God muna before she accepts the project. So, trust in the Lord kami. And I know, He'll take care itong relationship namin."

 

Paano kung tumanggap si Toni na may kissing scene siya sa kapareha niya?

 

"Well, I won't watch na lang, 'di ba?!" natatawang sagot niya "Pero sabi ko nga, hindi naman ako seloso kasi I'm secure. I know that we both love each other. So, at the end of the day, it's always us."

 

Gaano ba sila kadalas mag-date ni Toni?

 

"Well, right now, we're both very busy. Meron siyang bagong show, 'yung Entertainment Live!. Ako rin, maraming projects, kaya we don't see each other very often. Pero we see to it that we always call or text each other," kuwento ni Paul.

 

Kung sinabi ni Paul na hindi siya seloso, si Toni rin naman daw ay hindi rin selosa.

 

"Alam niyang secured siya sa akin, confident siya na hindi ko siya lolokohin. She knows that I love her very much. Loyal ako sa kanya. I'm a one-woman guy. When I love someone, siya lang, wala nang iba," paniniguro pa ni Paul.