FIRST READ ON PEP: Yilmaz Bektas postpones trip back to Istanbul

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Friday, August 17, 2007 @ 07:32PM  |  1952 views

Yilmaz Bektas was supposed to fly back to Istanbul but he changed his mind at the last minute. According to a PEP source, Yilmaz decided to postpone his trip because he misses his wife and daughters.
Photo By: Karen Pagsolingan














Hindi natuloy ang pag-alis sa Pilipinas ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas kaninang hapon, August 17, pabalik ng Istanbul, Turkey.

Hindi ang masamang lagay ng panahon ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang mister ni Ruffa Gutierrez na manatili sa bansa, kundi ang kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice. Sinasabing "nagkaiyakan sina Yilmaz at ang mga bagets" bago umalis ang una patungong airport.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang malapit na tao sa kampo ni Ruffa na bandang alas-singko ng hapon kanina—taliwas sa unang naiulat na alas-dos ng hapon ang kanyang flight—ay nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Yilmaz.

Bago siya nag-check-in ay biglang nakaramdam daw ito ng "emptiness." Bigla raw niyang na-miss ang kanyang asawa at mga anak, kaya sa halip na mag-board sa plane ay nagpatanong daw si Yilmaz kung may available flights pa sa Sunday or Monday. Pagkatapos nito ay bumalik siya sa Makati Shangri-La Hotel kung saan siya nag-check-in sa sana'y isang linggo niyang pamamalagi sa bansa upang bisitahin ang asawa't mga anak.

Mula sa isa pang source ay nalaman ng PEP na nag-check-out si Yilmaz sa naturang hotel ng 3:42 ng hapon at nag-check-in uli ng 5:33 kanina.

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name