"Ayoko na talagang magbigay ng kahit anong comment
on KC hangga't hindi ko mismong naririnig sa kanya ang mga ganyan at
hindi pa talaga kami nagkakausap. I have nothing but respect and
praises for her," says Billy Crawford about KC Concepcion.
Billy Crawford on KC Concepcion: "I said nothing derogatory about her."
Wednesday, September 12, 2007
07:44 PM
Dahil naiintriga lately ni Billy Crawford kay KC Concepcion, minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ng international singer sa pagtawag diumano sa kanya ng anak ng Megastar na si Sharon Cuneta ng "ungentleman." Ito ay nag-ugat sa radio guesting ni Billy sa show ni DJ Mo Twister noon, kung saan sinabi diumano ni Billy na nahalikan na niya si KC.
"I haven't seen or talked to KC for a long time. Mga one year na siguro kaming hindi nag-uusap man lang and the said issue was a long, long ago issue pa. Ang hirap kasi dito sa atin, pinipik-up lang ang negative at ini-ignore na yung mga magagandang bagay na sinabi ko," sabi ni Billy sa presscon ng first major concert niya sa Pilipinas na It's Time, na ginanap kaninang hapon, September 12, sa Tramway Garden Buffet sa Timog Ave.
"In that said radio interview," patuloy niya, "we were having fun and it was made clear then na katuwaan lang ang lahat. It was a six o'clock [morning] radio program that intends to generate fun and laughter lang. Malinaw na malinaw sa pagkakatanda ko na nagbigay kami ng warning na nothing serious should be taken out of the remarks that I would say. I said nothing derogatory about KC, pero dun sa mga pumik-up ng isyu, negative pa ang ipinalabas and they made it controversial.
"But I did apologize. Kay KC, kay Tita Sharon, o kung kay Direk Lino [Cayetano, KC's rumored boyfriend] man dun sa palagay nilang hindi maganda sa sinabi ko. Ayoko na talagang magbigay ng kahit anong comment on KC hangga't hindi ko mismong naririnig sa kanya ang mga ganyan at hindi pa talaga kami nagkakausap. I have nothing but respect and praises for her," paliwanag ni Billy.
Meanwhile, Billy honestly opined that he somehow has something to thank for on the issue about him and KC.
"Kasi kung hindi nababanggit ang name ko, e, baka mag-iba na ako ng trabaho. Parang ganun lang 'yon, e. Pag napag-uusapan ka, meaning may interes sa iyo ang mga tao. May mga magpapa-picture o magpapa-sign.
"Sanay na ako sa ganyang bad press, even in France o kung saan man ako may show. It's just that dito nga sa atin, usung-uso yung pagpapalaki ng isyu kahit you meant no harm or bad to a person lalo pa't kaibigan mo naman," sabi pa ng dating child star.
Naitanong din ng PEP kung plano niyang imbitahan sa concert niya si KC at ang pamilya nito.
"Of course, it would be great!" sagot niya. "Papadalhan ko sila ng tickets at sana nga mapanood nila ang show dahil it's worth their time. Mas maganda na ‘yon kesa dun sa mga negang usapan."
Twenty-two years na sa showbiz si Billy. Grateful siya na sa mahabang panahon na ito ay natutunan niyang maging responsable at rumespeto sa kapwa.
Nakalakihan na raw niya sina Sharon Cuneta kaya't nahihiya siyang ma-drag muli ang pangalan ng mga ito, lalo pa't may show siyang pinu-promote. Pero sa huling pagkikita naman nila ni Sharon sa premiere ng Ouija last July, ay paulit-ulit niyang ginawa ang paghingi ng sorry dahil sa taas ng respeto niya rito bilang isang tao at magulang ni KC.
BILLY BEHIND THE CAMERA. One year to go na lang si Billy sa kanyang Studio Engineering course sa New York University at plano niyang makuha na niya ang kanyang diploma soon.
At 25 years old, focus ni Billy Joe ang kanyang singing and recording career, pati na rin ang ilang movie offers from international movie outfits. He still sees Philippines as his mother home and if he settles down in the near future, he wants to raise his family here.
"Sobrang iba dito!" bulalas niya. "If ever na magkakaroon na ako ng mga anak, I want them to stay here, study here first, bago siguro sumubok sa ibang bansa."
Pinay pa rin daw ang preferred wife-to-be niya, though he had his last serious relationship three years ago with a foreigner that lasted only less than a year.
"Iba kasi ang attitude ko pagdating sa priorities. Nagkataon lang na marami pa akong gustong ma-achieve as a singer and an artist, kaya't kaya kong mabuhay na walang seryosong lovelife," sabi niya.
Happy naman daw siya sa kanyang mga ginagawa at wala siyang oras para sa mga "earthly desires/needs," including one-night stands.
"Not my interest at all. Hindi ko talaga linya ang mga ganyan," ang natatawa nitong sabi.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 8): Four new shows make strong impact on the ratings game HOT
- Bing Loyzaga dismisses malicious rumor linking her to Jake Cuenca
- Richard Gutierrez and PEP finally find peace HOT
- Angelica Panganiban wants to settle down with boyfriend Derek Ramsay someday
- Sam Milby has separate projects with Anne Curtis and Maja Salvador
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top HOT
-
Homes
Kian Kazemi: Your Boy Next Door
High-rise living with former Pinoy Big Brother housemate Kian Kazemi
-
Weddings
Ciara Sotto and her dream wedding with Joe Oconer
Finally, Ciara Sotto walks down the aisle to meet the man of her dreams, and exchange "I do's" with Jojo Oconer.
-
PEP Finder
Cindy Kurleto happy with her life in Peru but misses Manila
The former Eat..Bulaga! mainstay is saddened by news about Francis Magalona's demise.
-
Travels
The travel photos of Kim Chiu, Enchong Dee, and Shaina Magdayao
Plus, their travel tales!
Most Popular
- Sharon Cuneta on her adopted son: "I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother."
- Shaina Magdayao speaks up about her split with John Prats
- Pokwang answers some issues about Wowowee
- Jolina Magdangal revamps herself with new look; changes manager
- Piolo Pascual admits KC Concepcion is part of his birthday wish
- PEP EXCLUSIVE: PART I Marlene Aguilar narrates the "violent environment" her son Jason Ivler grew up in
- Maricel Soriano returns from hibernation after her mother's death
- PEP EXCLUSIVE: Part III Marlene Aguilar: "Jason's fan club will change the world."
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top
- Bayani Agbayani is thankful to GMA-7 for opening its door to him again
Advertisement


