GMA-7's SIDE. Samantala, kinumpirma rin ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante ang paglipat ng Philippine Idol sa Kapuso Network. Tinanong siya ng ilang entertainment press sa presscon ng Zaido kung totoo nga ang balita na sa GMA-7 na mapapanood ang second season ng Philippine Idol at umamin siya agad.
Ayon pa kay Ms. Galvante, package deal ang pagkuha nila ng Philippine franchise ng Idol, kasama ang iba pang shows ng Fremantle Media, kasama na ang Celebrity Duets na napapanood na ngayon sa GMA-7 hosted by Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Ang American Idol judge na si Simon Cowell ang producer ng U.S. version ng Celebrity Duets.
Samantala, nabalitaan din ng PEP na kasabay ng paglipat ng Philippine Idol sa GMA-7 ay ang posibilidad na pumirma na rin ng exclusive contract ang first winner na si Mau Marcelo at ang finalist na si Jan Nieto sa Kapuso network. Ang isa pang finalist na si Gian Magdangal ay nasa GMA-7 bilang isa sa regular performers ng SOP.
Ang Idol franchise ay nagsimula sa Great Britain, na may titulong Pop Idol. Nagkaroon ito ng spin-offs sa mahigit tatlumpung bansa, kabilang na ang U.S. (with American Idol) at ang Pilipinas.
The first season of Philippine Idol was hosted by Ryan Agoncillo, with Ryan Cayabyab, Pilita Corrales, and Francis M. acting as judges. Wala pang balita kung sino ang maghu-host ng second season sa GMA-7 at kung sinu-sino ang magiging hurado.
Sa pamamagitan ng website ng Fremantle ay napag-alaman ng PEP na ang iba pang sikat na programa ng naturang TV company worldwide ay Poker Face, Distraction, The Price Is Right, The X Factor, Family Feud, at Got Talent. Nagkaroon ng Philippine franchise ang The Price Is Right at Family Feud na ipinalabas noon sa ABC-5.




