"Ngayon ko lang na-appreciate yung mga small things na meron tayo sa buhay natin pero tini-take for granted lang natin. We should be thankful with every little blessings we have dahil hindi natin alam mas marami pang unfortunate sa atin," says Shyr Valdez about her experience in playing the role of missionary Gracia Burnham (inset) in the documentary Search and Destroy. Photo: File photo (Shyr) & tyndale.com (Gracia)


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang character actress na si Shyr Valdez kahapon, September 25, sa G-Strip Building sa Greenhills, San Juan. Masaya niyang ibinalita na may natapos siyang isang documentary film na tumatalakay sa hirap na dinanas ni Gracia Burham sa mga kamay ng Abu Sayaff, ang Search and Destroy.

Si Gracia ang American missionary na kinidnap ng Abu Sayaff, kasama ang asawa nitong si Martin sa Dos Palmas noong May 27, 2001. Sa rescue mission na isinagawa ng mga militar noong June 7, 2002, namatay si Martin at ang isang Filipino nurse.

Ayon sa kuwento ni Shyr, isang tawag ang natanggap ng aktres mula sa news reporter na si Arlene dela Cruz, na kinidnap din ng Abu Sayaff pero agad ding pinakawalan. Si Arlene daw ang nag-offer sa kanya ng nasabing docu.

"I got a call from Arlene. Siya kasi yung nakakaalam nung buong istorya ni Gracia. Sabi niya, meron daw siyang role na ibibigay sa akin na hindi ko raw puwedeng tanggihan. Kaya lang, maliit lang daw ang budget. Sabi ko, ‘Wala tayong pag-uusapan sa pera. Ano ba ‘yan?' Pagkasabi niya sa akin ng Gracia Burnham story, umoo na ako kaagad. Tapos yung usapan namin, umalis na ako kaagad nung hapon sa location sa Cavite.

"Actually, tinawagan muna ako ng Mommy ko at sinabi niya na tanggapin ko nga raw yung role. Yung oras na mismo na ‘yon na umoo ako, nagpunta na ako ng parlor at nagpagupit na ako ng buhok. Nagkataon naman na kinulang naman ng pang-dye yung parlor kaya ginawan na lang ng paraan," lahad ni Shyr.

PREPARATION FOR THE ROLE. Ano ang preparasyon na ginawa niya for her role in Search and Destroy?

"Actually, meron na naman akong idea, e. Nababasa ko naman at nasusundan sa TV noon. Tapos ikinuwento naman sa akin ni Arlene. Pero kung ano ang nangyayari while they were on the forest, hindi ko alam kasi nabasa ko yung libro after na lang. Kaya nga hinahanap ko yung script pero wala silang ipinadala. Kahit nung nasa location na kami, naloka ako, walang script.

"Iba pala silang magtrabaho kasi nga film documentary siya, iba sa pelikula. Hindi ko tuloy alam nung una kung anong atake ang gagawin ko. Ang nangyari sa akin, sa amin ni Mark [Gil] na asawa ko sa dokyu film, nangulit kami. Kaya siguro nagtataka yung direktor namin bakit kami tanong nang tanong."

For the first time daw kasi nag-handle ng artista ang naturang produksiyon kaya marahil nanibago rin ang mga ito sa kanila.

"Kaya nga siguro nagtataka sila kung bakit makuwestiyon kami, like we asked where is this coming from? where is this gonna lead? what emotions do we have to come up with here or with this particular scene?

"Sa pond scene, sinabi niya sa akin, ‘Your emotions here must be out of desperation.' Tapos tinatanong ko siya, ‘Why am I desperate here?' Sabi
niya, ‘Well, you came from a five day walk from the laot, blah, blah blah.'

"Dun na ako nag-characterization na half-Gracia, half-myself. Hindi kasi fully Gracia lang. Gagayahin ko lang ang sa tingin ko yung ginawa niya. It was a crucial scene, kasi you have to remember nasa boobtube yan e, makikita a realistic emotion. Kailangan totoo yung lumabas sa akin," paliwanag ni Shyr.

Proud daw si Shyr dahil hindi naman siya ang isa lang sa pinagpilian for that role.

"Sa mga pinagpiliaan ay sina Jaclyn Jose at Jackie Lou Blanco. I think their schedule won't permit them to do that project, so napunta sa akin. Naniniwala kasi ako na kung para sa ‘yo, para sa ‘yo," sabi ng aktres.

REALISTIC. Bagama't ang lokasyon ng Search and Destroy ay hindi mismo kinunan sa Dos Palmas, realistic na rin naman daw ang pagkagawa nito. Bilib nga raw si Shyr sa husay ng direktor nitong si Mart Balden dahil sa hi-tech na kamerang ginamit.