Young actress Jenica Garcia became teary-eyed while denying the blind items that clearly point to her and to screen partner Mart Escudero. Photo: Noel Orsal

 

Happy mood ang young actress na si Jenica Garcia nang humarap sa entertainment press kaninang tanghali, September 26, sa isang restaurant sa Timog Ave., Quezon City. Sa wakas daw kasi ay may endorsement na siya.

 

Jennica signed a one-year contract with Bonjour de Corp, a casual-wear line that was endorsed by actresses Tanya Garcia, Danica Sotto, Julia Clarete, and most recently, Ryza Cenon.

 

"Nang nagsimula po kami sa taping ng Pasan Ko Ang Daigdig, namumroblema po ako kung ano ang mga isusuot ko kasi ang papel ko sa soap, mayaman. Kaya nga nami-miss ko ang Impostora kasi mahirap ako doon. Kapag mahirap kasi, kahit ano puwedeng isuot. Dito po sa Pasan, dapat maayos lahat ang isinusuot ko. Kaya nga po masaya ako at napagkatiwalaan ako ng Bonjour na maging endorser nila. At least, hindi ko na poproblemahin kung ano ang mga isusuot ko sa taping," kuwento ni Jenica.


May isang issue ngayon kay Jenica at sa ka-loveteam niyang si Mart Escudero in a blind item. Diumano, sobra raw ang kanilang PDA (public display of affection) sa taping ng Pasan Ko Ang Daigdig kaya pinagsabihan daw si Mart ng ina ni Jenica na si Jean Garcia na "mag-condom." Kahit blind item, tukoy na tukoy sina Jenica at Mart dahil sa mga give away clues.

 

Sa umpisa ng interview kanina, hiniling ng manager ni Jenica na si Manny Valera na huwag na itong pag-usapan. Nagkatawagan na raw kasi sila ni Popoy Caritativo, manager naman ni Mart, at napag-usapan how to handle the issue.

 

Naging consensus nila na huwag nang sumagot dahil, una, blind item pa rin ito. Kung sasagot daw sila, it's tantamount to saying na sila nga ang tinutukoy doon. Ikalawa, kung hindi naman talaga nangyari, bakit kailangan pang sagutin.

 

Ito rin ang naging unang kasagutan ni Jenica sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang tinanong namin ito sa kanya.

 

"Kung puwede po huwag na pong pag-usapan ito. Pareho pong hindi naman totoo [both the PDA and the condom advise]. Close kami ng mommy ko, pero hindi siya magbibiro ng ganoon," malumanay niyang sagot.

 

Kaso, dumating ang TV crew at nang naitanong ito ay naluha on cam si Jenica. So finally, sumagot na rin siya.

 

Una, nahihiya raw siya sa kanyang daddy na si Jigo Garcia.

 

"Kasi po nang pinayagan akong pumasok sa showbiz ng Daddy ko, nag-promise ako sa kanya na career lang ang aatupagin ko at hindi po ako magbu-boyfriend muna. Tapos maglalabasan po itong PDA and condom issue kahit hindi totoo. Sana po naisip nila na hindi nga magsasalita ng ganoon ang Mommy ko kahit pabiro," sabi ni Jenica.

 

Turning 18 pa lang si Jenica this December 26. Mas matanda siya ng ilang buwan kay Mart na ma-e-eighteen pa lang next year.

 

Hindi pa sinasagot ni Jenica si Mart kahit aminado na silang dalawa na nagliligawan sila. Pero hanggang doon pa lang daw sila at wala pa raw silang ipinapamalas na public display of affection.