"Puwede siyang magtrabaho either GMA or ABS. Naunang na-offer ang Love Spell sa amin. Naghintay sila na matapos ang Mga Mata ni Anghelita. Ang alam kasi namin, matagal pa yung sinasabi nilang soap kaya tinanggap muna namin ito," says Dolor Guevarra about her ward, Shery Cruz (in photo). Photo: Noel Orsal


Tumawag sa PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dolor Guevarra, ang manager ni Sheryl Cruz, tungkol sa naiulat namin dito kahapon, September 28, na lilipat yata ng TV network ang aktres.

Isang primetime soap ang alok kay Sheryl sa GMA-7 kapalit ng Mga Mata ni Anghelita at isang episode naman sa Love Spell ang offer ng ABS-CBN. Balitang ang Love Spell ang magiging next project ni Sheryl.

Noong una naming tinanong through text kay Dolor, nag-"no comment" muna siya about Sheryl's projects.

Two hours later, tumawag siya para klaruhin lahat.

"Walang kontrata si Sheryl sa kahit anong station," pauna ni Dolor. "Puwede siyang magtrabaho either GMA or ABS. Naunang na-offer ang Love Spell sa amin. Naghintay sila na matapos ang Mga Mata ni Anghelita. Ang alam kasi namin, matagal pa yung sinasabi nilang soap kaya tinanggap muna namin ito."

Dagdag pa ng manager ni Sheryl, "Nakausap ko si Wilma [Galvante, GMA-7's SVP for Entertainment TV], ayos ang usapan namin. Sabi ko, one show lang ito tapos babalik siya [Sheryl]."

Naitanong ng PEP kay Dolor kung bakit hindi na lang pagsabayin ang dalawang shows dahil ang pagkakaalam namin, willing naman ang GMA-7 na gumawa sa kabilang network si Sheryl dahil magkaibang oras at genre ang dalawang TV shows.

"Nakakahiya naman 'yon, nakikita si Sheryl sa Dos tapos nakikita rin siya sa Siete. Isa pa, conflict of schedule. Parehong araw yata ang taping," sagot ng manager.

Wala ring pipirmahang exclusive contract si Sheryl sa ABS-CBN dahil per show lang siya doon.