Young actress Jennylyn Mercado can now heave a sigh of relief because she has a new show on her home network. GMA-7 has cast her as one of the leads in a new soap opera titled La Vendetta. Photo: Noel Orsal


Napakaraming haka-haka kung ano ang magiging unang show ni Jennylyn Mercado sa GMA-7 pagkatapos ng kaguluhang nangyari sa pagitan ng Kapuso network at ng manager niyang si Becky Aguila.

Kung ilang shows ang nabanggit na magiging comeback daw ni Jennylyn, tulad ng Angela Markado, My Only Love, at Patayin sa Sindak si Barbara. Sa pagkakaalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), in concept pa lang ang Angela Markado, wala pa ring final cast ang My Only Love, at nasa ABS-CBN ang rights ng Patayin sa Sindak si Barbara.

Nais ng GMA-7 na bigyang importansiya ang pagbabalik-trabaho ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn, kung kaya't primetime soap ang hinanda sa kanya sa isang original story soap na La Vendetta. Mula ito sa panulat ni RJ Nuevas na siyang head writer ng dalawa sa past two hits ng GMA-7 na Bakekang at Impostora. Si Gil Tejada naman ang nakatakdang magdirek nito.

Ang La Vendetta ay kuwento ng magkakapatid na babae. Final cast na ang dalawa sa kanila, sina Jennylyn at Sunshine Dizon. Hinahanap pa kung sino ang gaganap sa pangatlong kapatid dahil hindi ito matanggap ng first choice na si Sheryl Cruz na may natanguang show sa ABS-CBN pagkatapos ng kanyang Mga Mata ni Anghelita.

Apat ang leading men ng tatlong bidang babae: sina Polo Ravales, Paolo Contis, Luis Alandy, at si Mark Herras in a special role.

Sa October 8 ang tentative first taping day ng La Vendetta dahil ipapasok agad ang soap opera na ito very soon. Pagpasok ng La Vendetta, magiging apat na rin ang local soap ng GMA-7 at magkakaroon na ng aktuwal na tapatan per show sa primetime block ng dalawang leading networks.