"Vic and I are friends. Walang problema dun kasi wala namang involved sa amin na third party kung bakit kami naghiwalay. Ako, I surrendered myself to the Lord. Alam niya [Vic], in seventeen years hindi ako nagde-date, hindi ako nanlalaki and alam ko nandun yung respeto niya para sa akin," says Coney Reyes about Vic Sotto (inset) who's the father of her son Vico. Photo: Noel Orsal


Sa nakaraang grand presscon para sa pagbubukas ng Book 3 ng ABS-CBN soap na Ysabella last September 29 sa Globe Asiatique main office, Quezon City, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Coney Reyes Hiningan namin ng pahayag ng aktres tungkol sa relasyon nila ni Vic Sotto, ang dati niyang karelasyon at ama ng isa sa mga anak niya.



"Vic and I are friends. Walang problema dun kasi wala namang involved sa amin na third party kung bakit kami naghiwalay. Ako, I surrendered myself to the Lord. Alam niya [Vic], in seventeen years hindi ako nagde-date, hindi ako nanlalaki and alam ko nandun yung respeto niya para sa akin," pahayag ni Coney.



Masaya ring ibinahagi ni Coney ang magandang relasyon ni Vic sa anak nilang si Vico.



"He's in first year college in Ateneo, taking up Political Science... They're okay naman, Vic goes to the house every week to visit. Basta lang wala siyang importanteng mga commitment, dumadalaw siya," saad ng aktres.

 

Open book ang malalim na relasyon na pinagsamahan nila ng comedian-TV host, na nagsimula nang magkasama sila sa Eat Bulaga. Nang tinanong namin si Coney kung ano ang masasabi niya sa relasyon ni Vic at sa girlfriend nito ngayon na si Pia Guanio, tumanggi siyang magbigay ng mensahe.



"I don't have a message," sabi niya. "He has never told me anything straight about anything, so I don't want to comment about things like that.

 

Patuloy niya, "Basta ako, I want the best for Vic, I'm praying for the best for him. Hindi natin alam kung ano ang katapusan ng mga istorya, di ba? Ang panalangin ko sa buhay niya, sana maging masaya siya and mangyari sa kagustuhan ng Diyos."

 

Happy being alone for 17 years, open pa ba si Coney sa bagong pakikipagrelasyon?



"Ako kasi, kung ano ang plano sa atin ni Lord, mas maganda sa kung ano ang plano natin para sa sarili natin. Kung plano ni Lord sa akin ay makapag-asawa, yun ang mangyayari; kung hindi, hindi. As of now, sobrang peaceful ng buhay ko, sobrang tahimik. I have three children, okay naman silang lahat. Si Vico nasa college na, kaya nga natanggap ko itong project na Ysabella," sabi niya.

 

Masaya ring ikinuwento ni Coney na sobrang excited siya sa first Christmas nila ng kanyang apo na si Lorenzo Antonio sa anak niyang si LA Mumar, from her marriage to former PBA player Larry Mumar.



"Super excited ako!" bulalas ni Coney. "I don't know how to make it so happy for me, but I want to make it special and memorable for Lorenzo. He's five month old now. October na, by Christmas, he's seven-and-a-half months or eight. Right now, supernagre-react, so ang sarap nang kausapin.



"Actually, wala din siya sa bahay kasi nag-solo na sina LA. So, di ko rin siya nakikita araw-araw. Pumupunta ako sa kanila or sila ang dumadalaw sa bahay," masaya niyang kuwento.