Young actress Maja Salvador turns 19 years old today, October 5. Maja's biggest birthday gift is her title role in the remake of Julie Vega's soap opera Anna Liza. Photo: Noel Orsal


Sinorpresa ng ABS-CBN management at buong staff ng Pangarap na Bituin kagabi, October 4, ang isa sa mga bida ng nabanggit na teleserye na si Maja Salvador in celebration of her 19th birthday today, October 5. Hindi inaasahan ni Maja na isang asalto para sa kanya ang inihandang press conference ng Pangarap na Bituin sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN, kasama ang kanyang leading man sa show na si Jay-R Siaboc

Overwhelmed si Maja sa sorpresang ibinigay sa kanya at sa mga papuring natanggap niya mula kay Deo Endrinal, overall in charge of production ng show. Dumating din sa asalto ni Maja ang mga direktor ng Pangarap na Bituin na sina Trina Dayrit at Erick Salud. Punong-abala siyempre sa asalto kay Maja ang executive producer na si Mio at ang buong staff ng show.



"Sana po next year magkaroon na ako ng sarili naming bahay. Siyempre po yung career ko sana mas lalo pang gumanda, at sana sa pamilya ko walang magkasakit," sagot ni Maja nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang birthday wish niya.

Niregaluhan ni Jay-R si Maja ng white gold, diamond-studded heart-shaped na kuwintas. Touched siyempre si Maja sa regalo ni Jay-R dahil alam niya kung gaano kalaki para sa leading man niya ang ginastos.

Sa kabila nito, tuwang-tuwa naman si Maja dahil makukumpleto na raw ang jewelry collection niya; hindi siya bumibili, kundi pawang regalo sa kanya, gaya ng hikaw na bigay ng ex-suitor niyang si Carlo Aquino, relo mula sa ka-loveteam niyang si Jason Abalos, at ngayon ay kuwintas mula kay Jay-R.

Ikinuwento namin kay Maja ang sinabi ni Jay-R na mula sa rating na "1 to 10" ay nasa "9" ang level ng pagkagusto nito sa young actress.



"Uy, bakit nine? Dapat in-eleven mo!" natatawa niyang sabi kay Jay-R na nasa tabi lang niya.

NEXT BIG STAR. Tinanong ng PEP si Maja kung anu-ano ang pagbabago sa kanya ngayong 19 na siya.



"Mas sumeski po ako!" biro niya. "Pero ganun pa rin po, same Maja. Mas nagiging matured lang. Mas maraming pangarap sa buhay."



Ano ang masasabi niya na siya na raw ang "next big star" ng ABS-CBN?



"Grabe po!" natutuwang sagot ni Maja. "Tapos bigyan ako ng ganun [asalto]? Ang maganda kasi sa staff, sobrang nagbibagay sila ng importansya sa mga artista nila."

Samantala, marami ang nagtaka kung bakit biglang nawala si Maja sa launch ng ASAP Supah Dance album noong Miyerkules, October 3. Hindi siya tuloy nakausap ng mga entertainment press na gusto siyang ma-interview.

"May taping pa po ako ng Pangarap na Bituin," paliwanag ng young actress."Hinihintay na ako ni Jay-R sa set. Tinanong ko rin sila [ASAP staff], sabi ko, ‘Paano po ‘yan aalis agad ako sa presscon?' Sabi nila, ‘Hindi, bukas meron naman kayong presscon.' Kaya yun po."

FROM JOHN TO RAYVER. Bakit biglang sila na ni Rayver Cruz ngayon ang magka-partner sa grupo nila nina John Prats at ShainaMagdayao na Ultimate Dance Four?



"Hindi, absent lang po yung dalawa, sina John at Shaina," sagot ng dalaga.



Aware ba siya sa tsismis kina John at Shaina na magkarelasyon na?



"Ewan ko, mga katsismisan lang naman kasi ‘yon. Hindi ko naman talaga sila napapansin, e. Sobrang close lang talaga kaming apat," pag-iwas niya.



Hindi siya naniniwala na may relasyon sina John at Shaina?



"Paano n'yo po nasabi na may relasyon sila?" tanong ni Maja.



Sabi namin sa kanya ay nakikita kasing magkasama sina John at Shaina kapag lumalabas. May usap-usapan din na nagbigayan sila ng friendship ring at may identical watches sa isa't isa.



"Ah, ganun po ba? Hindi ko po talaga alam sa kanila. Kung may relasyon man sila, e, di hayaan na natin," sabi niya.



Hindi ba't natsismis din sila ni John noon? Binigyan din ba siya ng gift na pareho silang mayroon ni John?



"Hindi po, pero may identical rubber shoes kami," ani Maja.



Hindi kaya talagang hindi ipinapahalata o ipinapaalam sa kanya na may relasyon ang dalawa dahil may nakaraan sila ni John?



"Hindi!" mabilis niyang tugon. "Si John, best friends kami niyan. Kung meron po talaga, ako pa? Ako, sinasabi ko talaga sa inyo."

So, inaamin niya na nagkaroon din talaga sila ng relasyon noon ni John?

"Nag-MU nga po kami, e," diretsong sagot ni Maja.

ANNA LIZA. Dahil kaya sa tsismis kina John at Shaina kaya nag-switch sila ng loveteams? Balitang-balita kasi ang gagawin nilang teleserye ni Rayver sa ABS-CBN, ang remake ng Anna Liza na show dati ng yumaong si Julie Vega sa GMA-7.



"Hindi naman po siguro dahil doon, may mga balak po ‘ata ang management," sabi niya. "Kung sure na yung sinasabi nila na show namin ni Rayver, sobrang nagpapasalamat ako. Pero nakakatakot, may pressure.

"Kasi ‘yon nga po ang sabi ko, takot na takot akong magbida kasi mas gusto ko yung sumu-support. At least, ang sisi wala po sa akin. Kaya eto po, ang akin lang, e, blessing po na dumating... Kapag tinanggihan mo baka wala nang susunod. Kaya po tinanggap ko lang. Tanggapin nang tanggapin. Gawin nang maigi. Kumbaga sa ano po ng tao, siyempre po masaya lahat. Kung hindi naman po, baka hindi na nila ako bigyan ng soap."

Bukod kay Rayver, kasama rin si Jason sa Anna Liza na ididirek nina Jerry Sineneng at Rechie del Carmen. Dalawa ang leading men ni Maja dahil dalawa rin noon ang nag-aagawan sa puso ni Julie Vega na sina Albert Martinez at Rey "PJ" Abellana.



Ano ang feeling niya nang sabihin sa kanya na siya ang bida sa remake ng Anna Liza?



"Wow! Kasi Flordeluna pa lang na Book 2, sinasabi na nila sa akin. E, ako, hindi naman po ako nag-e-expect... Yun nga po, akala ko Flordeluna [ang gagawin ko]. Siyempre ayokong mag-expect hanggang sa napanood ko na namatay na si Flordeluna. So, hindi ko na inasahan. Tapos nagulat ako na may Anna Liza po ako."



Nasa pre-production na ang susunod na teleserye ni Maja since nakapag-last taping day na sina Direk Jerry at Rechie sa Natutulog Ba ang Diyos, na magtatapos na sa susunod na linggo.