Will Ethel Booba (center) outdo Keanna Reeves's "keanna-bilisms?" Will models Victor Basa (left) and Jon Avila (right) surpass the popularity meter of Sam Milby? Watch Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2, starting October 14, and be the judge. Photo: Noel Orsal

 

Sa darating na Linggo, October 14, sa ganap na alas nuwebe y media ng gabi ay magsisimula na ang pinakahihintay ng sambayanang Pilipino na Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition 2. Sa wakas ay makikilala na ang 13 celebrity housemates na papasok sa Bahay ni Kuya.

 

Sa naganap na presscon para sa PBB Celebrity Edition 2 noong October 9 ay nasabi ni Direk Lauren Dyogi, business unit head ng naturang programa, na labintatlong housemates lang ang papasok sa ikalawang season bagama't umabot daw sa 20 ang kanilang kinuha para sa reserved slots halimbawang may mangyaring aberya sa mga ibang housemates. Nilinaw rin ni Direk Laurem na mas lamang ang bilang ng mga babae kesa mga lalaki.

 

Sa pagkakaalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay pitong babae at anim na lalaki ang papasok sa Bahay ni Kuya na "Hollywood Glam" ang tema.

 

Nitong nakaraang araw ay pinahulaan sa Peeping Toms ng PEP ang mga nakuhang celebrity housemates.

 

Narito ang mga kasagutan sa guessing game tungkol sa female cast ng celebrity edition:

 

1). Ang unang housemate ay dating Kapuso star. Lumipat siya sa ABS-CBN dahil natapos na ang kanyang daily show, kung saan kasama niya ang isang morenong host. Siya ay walang iba kundi ang comedienne na si Ethel Booba. Uubra kaya ang kanyang kakuwelahan kay Big Brother at ang kanyang kakulitan sa mga housemates?

 

2.) 'Eto namang isa ay kalilipat lang sa bakuran ng Kapamilya network ngayong taon mula sa GMA-7. Maganda siya at maganda rin ang kanyang kapatid na talent ng Star Magic. Happy na siya ngayon dahil mas madalas na niyang makita ang kanyang kapatid. Ang sasabak muli sa isang reality show ay si Megan Young na produkto ng StarStruck ng GMA-7.

 

3.) Ang dalawa pang babae ay galing sa 26K girls na napapanood sa game show ni Kris Aquino na Kapamilya Deal or No Deal. Sila ay sina Marylaine Biernes at Jen de Silva. Magiging maayos kaya ang kanilang deal sa loob ng Bahay ni Kuya?

 

4.) May dalawa ring beauty queens na papasok sa Bahay ni Kuya. Ang isa ay naging cover girl ng FHM sa October 2007 issue nito. Ito ay ang Miss Earth-Canada na si Riza Santos, na ngayon ay talent na ng Viva Artist. Ang isa pa ay ang na-dethrone na Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific na si Zarah Aldana. Makayanan kaya nila ang pagiging istrikto ni Kuya?

 

5.) At ang isa pa ay may asawa na at sumikat dahil sa Bagets. Ito ay walang iba kundi ang misis ni William Martinez na si Yayo Aguila. Matatagalan kaya niyang mawalay sa kanyang asawa't mga anak?

 

Narito naman ang sagot para sa mga kalalakihan na aming pinahulaan sa Peeping Toms kahapon:

 

1.) Dati na siyang talent ng Star Magic at lumitaw ang pangalan niya sa entertainment press dahil nasangkot siya sa samu't saring mga gulo. Siya ay walang iba kundi ang young actor na si Baron Geisler. Magiging pasaway rin kaya siya sa mga rules ni Kuya?

 

2.) Extreme sports ang hilig nito at kilala siya sa larangan ng taekwondo. May kapatid siya na isa ring artista. Siya ay ang kapatid ni Baron na si Donald Geisler.

 

3.) Ramp at image model naman itong isa at kung madalas kayong madaan sa kahabaan ng EDSA ay makikita ninyo ang malaking billboard niya na naka-boxer briefs. Siyempre, ang tinutukoy namin ay ang Bench model na si Jon Avila.

 

4.) Ang isa pang hunk at ramp model na ito ay naging VJ at talent ng Star Magic. Salubungin ang pagpasok ni Victor Basa sa Big Brother house!

 

5.) Ang sumunod ay madaling nakilala ng press dahil siya ay moreno at kalbo. Halos karamihan ng mga kababaihan ay tumili noong rumampa siya sa Cosmopolitan Bachelor Bash. Heto na si Will Devaughn.

 

6.) Ang huli ay lead singer at dating miyembro ng disbanded group na Orange & Lemons. Siya si Macoy Fundales, ang kumanta rin ng original theme song ng Pinoy Big Brother.

 

Abangan kung sino pa kaya ang idadagdag na celebrities. Samantala, bigyan natin ng mainit na pagsalubong ang mga papasok sa Big Brother house. Sino kaya sa kanila ang tatagal at tatanghaling Big Winner?