Actor-director Eric Quizon takes a break from TV directing to concentrate on his acting career and on supervising the autobiography project of his dad Dolphy. But he is certainly willing to direct a movie again, if his schedule permits it. Photo: Noel Orsal


After five successive primetime soaps sa GMA-7—Narito Ang Puso Ko, Marinara, Darna, Majika, and Asian Treasures—nag-beg-off muna si Eric sa TV directing to focus on two things: ang mga projects niya for his father Dolphy, at bumalik sa acting.

Si Eric ang nangangasiwa sa autobiography ng kanyang ama pati na rin sa itatayong foundation ng Comedy King. Nakabalik na rin sa acting si Eric via two Regal Films movies, ang Hide and Seek at ang Bahay Kubo, and soon sa remake ng soap opera  Anna Liza.



Pero sinabi ni Eric na muntik na niyang tanggihan ang Hide and Seek nang first time na inalok ito sa kanya.

"Ang pinabasa kasi sa akin, ang character ng caretaker sa movie," paliwanag ni Eric sa huling presscon ng Hide and Seek last Monday, October 15, sa Imperial Palace Suites.

"Maganda naman ang role, kaya lang parang hindi yata bagay sa akin na pumapel na katiwala!" sabay tawa niya.

Pinabasa muli kay Eric ang script, but this time for the role of Jenica Garcia's father and he agreed to play the part. Kay Ryan Eigenmann napunta ang papel na katiwala.

"Sa ngayon, acting lang muna ang gusto kong gawin kasi my Dad's projects will take most of my time. Kapag nagdidirek ako sa TV, it's like your whole life is into it, wala ka nang oras para sa ibang gusto mong gawin," sabi ni Eric.

He doesn't mind directing for movies again though.

"Ang last na nagawa ko, yung kay Daddy rin, Home Along Da Riber [2002] with Jolina [Magdangal]. Mas madaling magdirek ng pelikula, hindi buwan ang binibilang," paliwanag niya.