The dynamic duo of Ariel (right) & Maverick (left) are cast as comic sidekicks of Robin Padilla in GMA-7's action-fantasy series Joaquin Burdado. Photo: Noel Orsal


Nakilala at sumikat sa ABC-5, nasa GMA-7 na ngayon ang comedy team na sina Ariel & Maverick with an upcoming game show, Send or Save, plus a chance to act in the primetime soap Joaquin Burdado.

Kaninang hapon, October 18, ay ginanap sa GMA-7 ang story conference ng second soap ni Robin Padilla after Asian Treasures, na may official title na Carlo Caparas' Joaquin Burdado. Hango ito sa isa sa lumalabas na serial ngayon sa Komiks ni Carlo Caparas.

Bida rito si Robin at dalawa ang magiging partner niya, sina Iza Calzado at Cristine Reyes. This will elevate Cristine to leading-lady status.

Kasama rin sa action-fantasy series ang tambalang Jennylyn Mercado at Mark Herras. Kahit magsisimula na sa October 28 ang La Vendetta nina Jennylyn at Mark, one season lang ang itatagal nito. By the time na matapos ito, saka pa lang mai-ere ang Joaquin Burdado.

Dito kasama sina Ariel & Maverick as comedy sidekicks of Robin.

Makakasama rin nila rito sina Eddie Garcia, Ian Veneracion, John Regala, Pen Medina, Renz Valerio, at Carlos Morales.

Gaganap din ang ilang kamag-anak ng Padilla clan: Rommel Padilla at ang anak niyang si Rafraf, June and July Padilla, mga pinsan nina Robin at Rommel; at introducing din ang anak ni Robin na si Kyle Padilla.

May kukunin ding dalawang Australian actresses to portray the goddesses.