Commercial model Joseph Marco signed up with GMA Artist Center and his first project with his home network is the suspense drama La Vendetta. Photo: Noel Orsal

 

Introducing sa La Vendetta si Joseph Marco, a new contract artist of GMA Artist Center. Nakilala sa first break niya sa commercial na Head and Shoulders opposite Angel Locsin, Joseph has two current commercials na ipinapalabas ngayon—Downy and E-Aji snacks. Bukod sa mga ito ay may isa pa siyang commercial for Coke na ipalalabas.

 

He was also included in this year's Cosmopolitan 69 Bachelors sa print, but he did not join the fashion show sa The Fort.

 

Joseph recently turned 19 last October 4. May lahi siyang German and Spanish on his mother's side. Anim silang magkakapatid, lima sa both parents kung saan pangatlo siya, with two elder brothers and two younger sisters.

 

A high school graduate from Faith Christian School in Cainta, Rizal, hindi na nakapag-college si Joseph after he was discovered by his manager sa Eastwood. Two weeks later and just after one VTR, nagulat siyang nakuha siya agad for the commercial ng Head and Shoulders.

 

"Nagulat nga po ako na first VTR ko, nakapasa agad ako. Mas nagulat ako nang nalaman ko si Angel pala ang makaka-partner ko, speechless talaga ako," kuwento ni Joseph sa presscon ng La Vendetta sa Ilustrado last Tuesday night, October 23.

 

Sa ngayon, nag-a-acting workshop si Joseph to prepare for his role as Santi Domingo sa La Vendetta. Si Ynna Asistio ang makaka-partner niya sa soap starring Jean Garcia, Jennylyn Mercado, and Sunshine Dizon.

 

Currently single si Joseph at si Jewel Mische ang kanyang showbiz crush.