StarStruck 4 Avenger Stef Prescott is this year's Philippine representative in Miss Internet World. Photo: Noel Orsal


Magsisimula na ang Internet voting ng Miss Internet World WWW 2007. Voting and crowning ceremony will take place in London this November. Ito ang ipinahayag ng Miss Tourism World Organisation (owner at producer din ng Miss Tourism World, Model of the World, Model of the Universe, and Miss Bikini World) sa kanilang official website na www.misstourismworld.com.



Now on its seventh year, 2006 Bb. Pilipinas-World Carlene Aguilar is the reigning Miss Internet World WWW, having won the title last year.



Other past winners are Miss Kenya (Issabel Karuthiru) who bagged the title in 2005, Miss Lithuania (Dovile Milasiute) in 2004, Miss Lebanon (Dorisse Hajj) in 2003, Miss Russia (Irina Demianova) in 2002, and Miss Colombia (Yeris Paola) who was crowned the first Miss Internet World WWW in 2001.



This year, StarStruck 4 Avenger and GMA Artist talent Stef Prescott will represent the Philippines sa gaganaping Miss Internet World WWW 2007.



Nabanggit ni Stef sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na mula raw sa mahigit 20-plus na pinagpilian ng isang Philippine agent, natutuwa siya dahil siya ang napili to represent our country.



"Actually, napakabigat nga po ng pressure sa akin," sabi ni Stef. "Kasi ilang days lang tatakbo ang online voting. Anim na araw lang ito at kinakabahan din ako in a way, although mas relax nga ito dahil pipiliin ang mananalo via Internet voting. Walang Q&A portion, no swimsuit competition, at wala ring evening gown. It's really pure Internet voting."



Nakatakda nang magsimula ang online voting sa gaganaping Miss Internet World WWW 2007 bukas, November 4 (12:00 GMT, Friday), hanggang November 9 (12:00 GMT, Sunday).



For six days, magkakaroon ng pagkakataon ang mga supporter ni Stef to vote for her. Sakaling palaring pumasok bilang Miss Internet World Asia, awtomatikong lilipad ang dalaga for the grand finals sa London kung saan haharapin niya ang iba pang winners ng Miss Internet World WWW mula sa tatlo pang continents—Africa, Europe, at Americas.



Sa grand finals, the continental winners will then be voted by a panel of judges na siyang pipili ng bagong Miss Internet World WWW 2007 winner.



"Kaya po umaapela ako sa mga tao at sa mga tagahanga ko na iboto nila ako. Sayang naman ang pagiging Internet addict natin kung hindi natin naipapananalo ito," pakiusap ni Stef, na kasama sa cast ng Sine Novela na My Only Love.



Visit www.misstourismworld.com to help Stef win the title.