Carla Humphries felt like losing two of her loved ones after screen partner Victor Basa (inset,top) and best friend Megan Young (inset, bottom) entered Big Brother's house.

Photo: Noel Orsal


Parang lumalabas na inagaw ni Kuya ang ka-loveteam ni Carla Humphries sa Abt Ur Luv na si Victor Basa. Hindi pa nagkasya ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 at pati ang best friend ni Carla na si Megan Young ay sumali rin sa reality TV program ng ABS-CBN, leaving Carla alone bilang isa sa strong survivors at pillars ng youth-oriented show na Abt Ur Luv.



"Noong una, tinatanong ako kung hindi ko ba raw nami-miss si Victor," sabi ni Carla. "Sagot ko, hindi. Pero habang tumatagal, parang may kulang sa taping.



"Friends lang naman kami ni Victor talaga. Pero yung pagiging close namin doon sa show namin, hindi ganoon kadaling i-set aside. Kaya nang mawala siya sa Abt Ur Luv at mapunta sa Bahay ni Kuya, habang nagtatagal ay nakakaramdam ako ng lungkot," pagtatapat ng young actress sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Abt Ut Luv kagabi, November 21, sa ABS-CBN compound.


DEFENDING MEGAN. Pero mas apektado raw si Carla sa pagkawala ni Megan. Naging super-close daw kasi talaga kay Carla ang dating GMA-7 artist mula nang mapabilang ito noon sa Abt Ur Luv.



Paliwanag ng dalaga, "Kasi, kami ni Megan, hindi lang doon sa taping ng show nagkikita. Maski tapos na ang taping namin, we still go out, watch a movie, do something else together kaya naging close kami.



"Kami naman ni Victor, as in friends lang talaga, pero napapanood ko sila minsan sa PBB. Hindi ko talaga ma-imagine si Victor na hindi nakadikit ang iPod earphones niya sa tenga niya. Sa Bahay ni Kuya, hindi na niya basta magagawa 'yon.



"Hindi ko rin kasi masasabi kung ako yung ipinasok sa Bahay ni Kuya, or I was given such privilege, pero makikita roon na ibang-iba sila sa karaniwang nakikita natin," sabi pa ni Carla.



Si Megan daw ay hindi kumakain ng tuyo. Napanood 'yon sa PBB Celebrity Edition 2. Taliwas ito sa ugali ni Carla.



"Oh, I love tuyo!" bulalas niya. "Masarap sa almusal ang tuyo at kahit saan, if I feel like eating tuyo, why not?



"Yun kasi ang totoo kay Megan. Hindi ka naman dapat mag-pretend sa Bahay ni Kuya. Kung ano ka doon, lalabas at lalabas, the way I see it," banggit ni Carla.



SMELLY FEET. Pero ang medyo shocking sa fans ay si Victor na pinag-uusapan ng ibang housemates 'pag nakatalikod. The guy has smelly feet, according to the housemates.



"Hindi ko naman naaamoy na mabaho ang paa ni Victor," sabi ni Carla. "I never had the chance. Ewan ko lang, siguro nagsasapatos siya nang walang medyas. O baka nagsasapatos siya at saka basa ang mga paa niya.



"I am close to him, but these details can be very private. I still don't know much about that, pero wala naman akong nakikitang parang marumi sa kanya, or what.



"Tawas lang naman ang katapat ng mabahong paa, at saka hygiene talaga. Naku, huh! Ayokong ilaglag si Victor, pero he should do something about it, at sana the housemates can tell that to him straight.



"Wala sa atin ang perfect. We just have to learn to have proper hygiene, na minsan nakakalimutan din natin," tuluy-tuloy na pahayag ni Carla.



BIG SISTER. Si Carla ang tumatayong Ate ng mga co-star niya sa Abt Ur Luv. Natutuwa ang young actress kahit ganito ang trato sa kanya.



Sabi niya, "May respeto kasi, and it's hard to earn that especially from people na mas bata sa 'yo. They look up to you as a good example, kaya may maturity yung level ng pagtrato ko sa kanila.



"They see the difference. At saka natutuwa ako sa co-stars ko, like Empress Schuck. I can see the next Claudine Barretto in her. Marami pang iba sa kanila ang may ibubuga at mapapanood sa show yung improvement nila as time goes by.



"I'm proud of them. I'm very happy, kasi hanggang ngayon, hindi pa rin ako nawawala sa show," pagwawakas ni Carla.