Although exhausted from work, Dennis Trillio granted an early morning interview and explained his previous silence as unwillingness to complicate the recently resolved feud between his son's mother Carlene Aguilar and his rumored girlfriend Cristine Reyes. This did not mean, he said, "na wala akong ginagawa o wala akong pakialam sa mga nangyayari sa kanila.... Kinakausap ko sila pareho. Pinipilit ko silang ayusin pareho."

 

 

Photo: Nelson Canlas

"Nagkaroon kami ng relasyon," pagkumpirma ni Dennis. "Ngayon, medyo naging kumplikado na rin. Marami na rin, marami nang nasangkot. Marami nang involved."

At present, ano ang relasyon nila ni Cristine?

"Magkaibigan," sagot niya. "Nag-uusap kami. Actually, sa kanya [Cristine] ko nalaman na kanina, nagkaroon sila [ni Carlene] ng appointment para magkaayos sila personally.

May balak ba siyang balikan si Cristine?

"Sa ngayon, hindi natin masasabi. Kung ano yung in store, kung ano ang nandiyan sa hinaharap. Gusto ko siguro muna maging single. May anak na ako, gusto ko muna maging mabuting ama sa kanya," sabi ni Dennis.

SILENCE AFTER THE STORM. Masaya raw si Dennis dahil nagkita at nagkaayos na sina Carlene at Cristine. Bagama't naging mapait ang kanilang dinaanan, sana raw ay maging maayos ang lahat.

"Siyempre, masaya ako dahil yun ang matagal ko nang pinagdadasal, na mangyari ‘yon, dahil lalo na ngayong magpa-Pasko na. Wala naman gustong magkaroon ng galit sa isa't isa, di ba? So at least ngayon, maayos na yung sa kanilang dalawa. Masaya ako na nag-cooperate sila na maayos yung isyu sa kanila," pahayag ni Dennis.

Pakiusap ni Dennis, sana raw ay respetuhin ng mga tao ang kanyang mga naging desisyon sa buhay. Ang naging mga komento sa kanya nitong huli, hindi man naging maganda ang lahat, nirerespeto rin daw niya.

"Actually, hindi na ako nakakapagbasa ng tabloid," banggit niya. "I'm sure maraming nadidismaya, nadi-disappoint dahil mas pinili kong maging tahimik. Pero ngayon nga, in-explain ko kung bakit ako naging tahimik. Ayokong masyadong palakihin ang isyu. Gusto kong ayusin personally.

"Kung hindi sila natuwa dun, opinyon nila ‘yon. Merong sumang-ayon na ‘Okay ‘yan, tumahimik ka.' Kasi although involved ako dun sa kanilang dalawa [Carlene and Cristine], pero ang pinag-uusapan dito yung kaso nila [slander case]. As much as possible, ayokong mag-comment tungkol dun. Pero kanya-kanya ‘yan. Kumbaga, kung sa tingin nila mali yung ginawa ko, mali. Pero yung iba, okay sa kanila. Kumbaga, everyone is entitled to their own opinion."

Aminado rin si Dennis na kahit papaano ay mayroong damage ang mga pangyayaring ito sa kanyang career. Hindi man daw nakikita sa ratings ng kanyang shows ang nasabing kasiraan, nararamdaman niyang mayroon itong epekto. Nagpapasalamat siya nang lubos sa mga taong patuloy pa ring tumatangkilik sa kanya bilang artista.

Nilinaw rin ni Dennis na una at huli na ang interview niyang ito tungkol sa isyu.

Mapapanood din ang interview ni Dennis mamaya sa StarTalk, bukas sa Showbiz Central at Ricky Lo Exclusives (QTV11), at sa Lunes sa 24 Oras.