news

Network rivalry looms over wedding of Vandolph and Jenny
by Maricris Valdez-Nicasio posted on December 5, 2007  STATS: 60699 Views | 0 Comments

 

"Gusto ko ay 18 na anak para masaya, pero sabi ni Jen ay three or four lang daw ang kaya niya. Sa honeymoon, balak sana namin ay mag-cruise somewhere, pero dahil busy, saka na lang siguro. Baka magpunta muna kami sa Cebu," says Vandolph Quizon after his wedding to Jenny Salimao.

Photo By: Emerson Sy


Napaluha sa kaligayahan si Vandolph sa kasal nila ni Jenny Salimao last Monday, December 3. Naging emosyonal ang dating child star sa sobrang kaligayahan habang lumalakad sa aisle ng St. James Church sa Ayala, Alabang, ang kanyang bride.

Masayang-masaya ang dalawa sa napakaganda nilang kasal na sinaksihan ng kanilang mga magulang na sina Dolphy Quizon at Alma Moreno, gayundin nina Eugenio at Ludivina Salimao. Naroon din ang halos lahat ng kapatid, kamag-anak, at kaibigan ng dalawa.

Nakasuot ng green terno si Vandolph, samantalang all white naman ang gown ni Jenny. Si Edwin Uy ang may likha ng mga kasuotan ng bride at groom, pati na ang buong entourage.

"Mahirap i-explain kung gaano ako kaligaya sa mga oras na ito. Ganito pala kapag ikinakasal!" masayang saad ni Vandolph sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, "Gusto ko ay 18 na anak para masaya, pero sabi ni Jen ay three or four lang daw ang kaya niya. Sa honeymoon, balak sana namin ay mag-cruise somewhere, pero dahil busy, saka na lang siguro. Baka magpunta muna kami sa Cebu."

Pagkatapos ng kasal, inihatid sina Vandolph at Jenny ng karwahe sa reception para sa 400 guests sa Fernbrook Gardens, Portifino South Daang Reyna, Las Piñas. Bumaha rito ng alak at pagkain. Apat ang buffet tables na may iba't ibang klase ng dishes na Filipino, Oriental, Continental, at iba pa.

Sa ipinalabas na video ay ipinakita kung paano nagkakilala sina Vandolph at Jenny. Kinunan ang video sa Caliraya, Quezon. Sinabi ng anak ng Comedy King na doon niya unang nakita si Jenny nang mag-guest ang grupo nito sa Home Along Da Riles, ang sitcom nila noon ng kanyang ama sa ABS-CBN.

Nasa dressing room daw noon si Jenny at nag-second look pa si Vandolph sa dancer. Talagang pinakatitigan niya raw ito. Nang nasa floor na sina Jenny, bumati si Vandaolph ng "Hello, beautiful" at doon na nagsimula ang kanilang ligawan na umabot ng seven months.

December 30, 2002 naging opisyal ang relasyon nila.

THE WEDDING RECEPTION. Ang kapatid ni Vandolph na si Eric Quizon ang nag-emcee sa reception, kasama ang comedienne na si Pokwang. Si Janno Gibbs naman ang singer mula simbahan hanggang reception kaya naman biniro tuloy siya na mistulang nagkaroon siya ng isang concert. Sinaliwan siya ng musika ng Symphony Orchestra.

Mga solemn na awitin ang kinanta sa simbahan at pagdating sa reception ay mga modern love songs, disco, at ballroom naman ang pinatugtog. Si Janno ay inaanak ni Dolphy, kaya close sila ni Vandolph.

Nang magsalita si Dolphy, pabiro nitong sinabi na, "'Langya, naunahan mo pa ako [magpakasal]. Pero isa lang ang bilin ko sa iyo, Jenny, kapag kumikidlat ay itago mo si Vandolph dahil puro bakal ang katawan niyan."

Ang tinutukoy ng Comedy King ay ang plano nilang pagpapakasal ng kanyang partner na si Zsa Zsa Padilla, na hindi pa rin matuluy-tuloy hanggang ngayon dahil sa ilang legal matters.

Ang message naman ni Alma para sa mag-asawa ay unawain lagi ni Jenny si Vandolph dahil may pagka-spoiled daw ito.

Dumalo ang lahat ng Quizon maliban lamang kay Jeffrey na naiwan ni Eric sa Hong Kong dahil may inaasikasong business nila ito roon.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About