Network rivalry looms over wedding of Vandolph and Jenny

Maricris Valdez-Nicasio
Wednesday, December 05, 2007 @ 12:24PM  |  57813 views

 

"Gusto ko ay 18 na anak para masaya, pero sabi ni Jen ay three or four lang daw ang kaya niya. Sa honeymoon, balak sana namin ay mag-cruise somewhere, pero dahil busy, saka na lang siguro. Baka magpunta muna kami sa Cebu," says Vandolph Quizon after his wedding to Jenny Salimao.

Photo By: Emerson Sy













Pagkatapos ng reception ay tumuloy ang bagong kasal sa Diamond Hotel at hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang dalawa.

NETWORK WAR. Samantala, tila nadamay sa network war ng GMA-7 at ABS-CBN ang kasalang Quizon-Salimao. Karamihan sa mga principal sponsors ay present, maliban sa ilan.

Kapansin-pansin na wala ang mga taga-ABS-CBN na kinuhang ninong at ninang. Bukod kay Gabby Lopez—na siyang big boss ng Dos—ay wala rin sina Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Kris Aquino, Deo Endrinal, at Cristy Fermin.

Tanging sina Susan Roces at Linggit Tan, production manager ng karamihan ng show ni Mang Dolphy ang taga-Dos, na mga ninang ang nagtungo sa kasal. Hindi tuloy naiwasan ang bulung-bulungan na baka sinadya raw ng ibang mga Kapamilya ang hindi pagpunta sa kasal ng anak ni Mang Dolphy dahil ang GMA-7 ang nakakuha ng TV rights sa kasalang Quizon-Salimao.

Bago ang araw ng kasal nina Van at Jen, may mga kumukuwestiyon kung paano at bakit napunta sa GMA-7 ang rights ng kasal, gayong artista ng Dos si Van, pati na si Mang Dolphy.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source na malapit kina Vandolph at Jenny, hindi nag-alok ang ABS-CBN kay Vandolph para makuha ang rights ng kasal niya.

Sabi ng aming source, "Actually, two weeks before ng kasal at saka pa lang sila pumirma. Kasi nga, hinihintay ng dalawa na alukin sila ng Dos, pero wala namang alok.

"Talagang binigyan ng kunsiderasyon ni Vandolph ang Dos dahil doon nga siya may show at taga-roon siya. Nang mag-offer sa kanya ang GMA, hindi kaagad sumagot si Vandolph. Naghintay pa siya pero talagang walang offer, so hindi na kasalanan ni Vandolph kung Siete ang nakakuha ng rights."

May lumabas pang balita na si Alma diumano ang nagbenta ng rights ng kasal nina Vandolph at Jenny sa Kapuso network. Pero sinabi ng aming source na napakaimposible nito dahil hindi nakialam ang actress-politician habang pinaghahandaan ang kasal ng dalawa.

"Sa ilang buwang nag-aayos ng kasal ang dalawa, hindi sila nagkikita ni Vandolph. Ayaw kasing makialam ni Alma dahil may tiwala siya sa dalawa at alam niyang nasa tamang edad na ang mga ito para magdesisyon. Masamang-masama nga ang loob ni Alma dahil pinalabas na mukha siyang pera," paliwanag ng source.

Idinagdag pa ng source na medyo nalungkot si Vandolph sa nangyaring pang-iisnab ng Dos sa kanilang kasal ni Jenny. At habang isinusulat ito'y wala pang nakakarating na opisyal na pasabi kung bakit hindi nakadalo ang karamihan sa mga taga-Dos sa espesyal na araw nina Vandolph at Jenny.

Sinabi rin ng source ng PEP: "May balitang kaya hindi nakarating o naligaw ang ilang ninong at ninang ay dahil sa hindi natapos agad ang renovation ng Notre Dame Devi Chapel dahil sa bagyo. Dito ang original venue ng kasal subalit inilipat ito sa St. James Church sa Ayala, Alabang. Pero a day before the wedding, pinagtatawagan ang lahat ng imbitado at may nakapaskil na malaking tarpaulin na nagtuturo kung saan gaganapin ang kasalan. At may nagbabantay doon para ituro ang lugar ng St. James, kaya malabo ang ganoong rason."

Sa panig naman ni Vandolph, sinabi niyang espesyal ang araw na ito sa kanila ni Jen at ayaw niyang masira ito.

"Araw namin ito at gusto naming maging masaya, kaya ayaw kong haluan ito ng anumang bagay na ikasasama ng loob o intriga," pahayag ni Vandolph.

« Prev  1  2  


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name