PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Joey Reyes does not make films only to win awards

The Sakal, Sakali, Saklolo director expects nothing in the coming MMFF Awards Night.
by Erwin Santiago
Published Dec 5, 2007
"Gumagawa ka ng pelikula dahil gusto mong gumawa ng pelikula at gusto mong mag-impart ng mga mensahe at mapaligaya ang mga tao. Trophies are important but they are not the be-all and end-all of the filmfest. If you are obsessed with awards, then you must have personal problems," says director Joey Reyes.

Matatandaang naging malaking kontrobersiya last year sa awards night ng 2006 Metro Manila Film Festival ang pagkakapanalo ng Enteng Kabisote 3 bilang Best Picture bagama't nagkamit ang Kasal, Kasali, Kasalo ng pinakaraming awards—kabilang na ang Best Director (Joey Reyes), Best Actress (Judy Ann Santos), at Best Supporting Actress (Gina Pareño). Sa katunayan, bukod sa Best Picture ay wala nang ibang award na napanalunan ang Enteng Kabisote 3 ni Vic Sotto.

Second Best Picture lang ang Kasal, Kasali, Kasalo at third naman ang Shake, Rattle & Roll 8.

Ang dahilan ng pagwawagi ng pelikula ni Vic ay ang malaking porsiyento ng box-office result sa pagpili ng Best Picture. Sa mga unang araw kasi ng MMFF last year ay nangunguna sa takilya ang Enteng Kabisote 3, pero naungusan ito ng Kasal, Kasali, Kasalo noong bandang huli at siyang naging official top grosser.

This year ay nagbabalik ang sequels ng tatlong best picture winners last year: Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema, Enteng Kabisote 4 ng M-ZET at OctoArts Films, at Shake, Rattle & Roll 9 ng Regal Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa unang presscon ng Sakal, Sakali, Saklolo last November 29 ay tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Joey Reyes kung ano ang expectations niya sa MMFF awards night this year, lalo pa't makakatunggali na naman ng pelikula niya ang pelikula ni Vic.

"Unang una, never na sinisi ko ang OctoArts o Enteng Kabisote dun sa nangyari," pauna ng direktor.

Patuloy niya, "If you ask me, honestly, wala akong expectation sa awards. Ang gusto ko lamang, ang tanging panalangin ko lamang talaga ay magustuhan ng mga audience ang pelikula, at kumita ang pelikula. At mag-enjoy sila ng di hamak if not more than sa Kasal, Kasali, Kasalo.

"Kasi naman, kahit sino mang direktor, artista, manunulat o anupaman na sumasali sa Metro Manila Filmfest na ang tanging pangarap lamang ay makakuha ng award, ang laki ng problema mo. Gumagawa ka ng pelikula dahil gusto mong gumawa ng pelikula at gusto mong mag-impart ng mga mensahe at mapaligaya ang mga tao. Trophies are important but they are not the be-all and end-all of the filmfest. If you are obsessed with awards, then you must have personal problems."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang may mag-react na writer na tila may pinapatamaan si Direk Joey sa kanyang pahayag, sinabi nitong: "Wala akong pinapatamaan, huwag bigyan ng malisya. I'm just speaking for myself, hindi ba?"

Tungkol naman sa pagsali ng box-office performance ng pelikula sa best picture criteria, ito ang nakatutuwang reaksiyon ni Direk Joey: "Welcome to the Philippines—this is the only country na may dalawang bagyo na nagkakasabay. So, there's absolutely nothing that can surprise at all in this country."

Pero nilinaw naman ni Direk Joey na kahit ano ang mangyari ay dadalo pa rin siya sa awards night this year.

"Baka manalo ako, sayang naman yung cash prize. Kasi ‘pag hindi ka um-attend may 50 percent off yung premyo [cash prize] mo. Saan ka ba naman nakakita ng award na may 50 percent off ‘pag hindi ka um-attend? ‘Tsaka mahirap na ang buhay ngayon, mahal na ang gasolina," nakakatawang pahayag ng direktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa huli ay nagbigay siya ng dahilan kung bakit kailangang panoorin ang Sakal, Sakali, Saklolo.

"Wala na namang lumilipad, wala pa ring special effects. Wala pa ring naka-costume. Hindi ito nagpapaka-Hollywood. Ito ay pelikulang Pilipinong-Pilipino para sa bawat Pilipino na magulang at anak. Isang simpleng pelikula tungkol sa pagkatao ng simpleng Pilipino," mariing sabi ni Direk Joey.

Read Next
Read More Stories About
Joey reyes
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Gumagawa ka ng pelikula dahil gusto mong gumawa ng pelikula at gusto mong mag-impart ng mga mensahe at mapaligaya ang mga tao. Trophies are important but they are not the be-all and end-all of the filmfest. If you are obsessed with awards, then you must have personal problems," says director Joey Reyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results