PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ara Mina stops taping "Bubble Gang" when she appears in "Prinsesa ng Banyera"

Ara Mina's sister, Cristine Reyes, in trouble for appearing in Wowowee.
by Nora Calderon
Published Dec 31, 2007
Sexy actress Ara Mina has accepted ABS-CBN's Prinsesa ng Banyera and will no longer appear in GMA-7's Bubble Gang.


Is it really goodbye for Ara Mina in GMA Network? As far as PEP (Philippine Entertainment Portal) knows, humingi lang si Ara ng permission sa GMA-7 na mag-guest host sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee. Pinayagan naman siya dahil paminsan-minsan lang naman daw ‘yon at ang contract naman niya sa GMA-7 ay para sa Bubble Gang lang.

Pero hindi inilihim ni Ara ang ilang beses na niyang pagrereklamo na kahit loyal siya sa Kapuso Network ay hindi siya binibigyan ng ibang shows. Ang huli pa niyang ginawa this year ay ang Lupin ni Richard Gutierrez.

In-offer kay Ara ang role bilang mother ni JC de Vera sa bagong primetime soap ng GMA-7 na Babangon Ako't Dudurugin Kita, pero tinanggihan ito ni Ara. Hindi pa raw kapani-paniwala na may anak na siyang kasing-edad ni JC.

Nag-create ng bagong character sa Babangon Ako't Dudurugin Kita para kay Ara, pero huli na dahil nauna nang nag-offer ang ABS-CBN ng role sa Prinsesa ng Banyera bilang stepsister ni Angelika dela Cruz. Incidentally, bumalik naman sa GMA-7 si Angelika at gaganap na main kontrabida ni Yasmien Kurdi sa Babangon Ako't Dudurugin Kita. Nauna nang natanggap ni Ara ang Prinsesa ng Banyera bago pa dumating ang bagong offer ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

From a souce, nalaman namin na once palang nagsimula nang mapanood si Ara sa Prinsesa ng Banyera sa ABS-CBN, stop na ang taping niya ng Bubble Gang. Sa ngayon daw, may mga advanced tapes na ng gag show kaya napapanood pa rin si Ara, na nagsimula na rin namang mag-taping sa Kapamilya network.

Hindi na raw kasi pumayag ang GMA-7 na may Bubble Gang pa siya ay mapapanood na rin siya sa ABS-CBN. Kaya hindi na puwede yung sinabi ni Ara sa kanyang past interviews na pagkatapos ng Prinsesa ng Banyera ay babalik ulit siya sa GMA-7. Napag-alaman ng PEP na ito ang napagkasunduan ni Ara at ng GMA Network nang mag-usap sila.

Meanwhile, kung non-exclusive ang contract ni Ara sa GMA-7, ang sister naman niyang si Cristine Reyes ay hanggang sa February 2008 pa ang contract sa GMA Artist Center. Nagpaalam si Cristine sa Artist Center na sasama siya sa Ate Ara niya sa Guam para makapamasyal at sinabing hindi siya magge-guest sa Wowowee, kung saan naging guest co-host si Ara. Pero hindi tumupad si Cristine sa pangako niya sa Artist Center dahil napanood siyang nakipag-duet pa kay Willie Revillame sa show sa Guam na ipinalabas last December 22. Isinulat din ito ng mga publicists ng naturang noontime show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin si Ara tungkol dito, wala raw ‘yon, nakipag-jamming lang daw si Cristine kay Willie. Pero ayon naman sa Artist Center, hindi ‘yon ang point. The mere fact na lumabas daw si Cristine sa show at napanood sa ABS-CBN, paglabag daw ‘yon sa kontrata niya sa Artist Center.

Sampahan kaya ng demanda ng breach of contract si Cristine ng GMA-7? Kahit kasi matatapos na ang contract niya sa February 2008, may option pa rin ang Artist Center na i-renew for another year ang kanyang contract. Nag-backout na rin si Cristine sa role niya sa Joaquin Burdado ni Robin Padilla kaya pinalitan na siya ni Iwa Moto.

The same is true sa iba pang StarStruck stars na sina Jennylyn Mercado, Katrina Halili, Nadine Samonte, at Sheena Halili. Sa ngayon, si Sheena pa lang ang nagsabi sa PEP na muli siyang pipirma ng contract sa Artist Center next year dahil thankful siya sa pagbibigay sa kanya ng soap sa GMA-7, ang Marimar, bukod pa sa TV guestings sa mga shows nila. Nakagawa rin siya ng first movie niya nang payagan siya ng Artist Center na gumanap kahit cameo role lang sa Katas ng Saudi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Ara Mina, Cristine Reyes
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy actress Ara Mina has accepted ABS-CBN's Prinsesa ng Banyera and will no longer appear in GMA-7's Bubble Gang.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results