Though Jennylyn Mercado's projects were shelved after she announced her pregnancy, she's thankful that she still has GMA-7's support.
Jennylyn Mercado wishes to have a baby girl
Sunday, January 13, 2008
10:40 AM
Rating
Nakakuwentuhan namin si Jennylyn Mercado sa last taping day ng GMA-7 suspense-thriller series na La Vendetta, na ginanap sa Mega Dike sa Gasak, Pampanga.
Tatlong eksena ang kinunan kay Jennylyn kasama ang ibang pang members ng cast ng naturang series na kinabibilangan nila Sunshine Dizon, Jean Garcia, Paolo Contis, Polo Ravales, at iba pa. Sa pinakahuling week ng La Vendetta ay malalaman na kung sino ang pumatay sa character ni Jennylyn (Almira) at masasagot na rin ang lahat ng katanungan na matagal nang inaabangan ng mga manonood nito.
Napansin namin na may hawak si Jennylyn na malaking manggang hilaw sa set. Hindi nga lang daw niya ito nakain dahil walang asin sa set. Nakaalis na raw kasi ang catering nang maisipan niyang kumain ng manggang hilaw.
“Kung anu-ano na ang gusto kong kainin. Minsan gusto ko matamis. Minsan gusto ko ng maasim. Paiba-iba kaya ang hirap! Mahirap pala ang buntis!” sabay tawa niya.
Marami na nga raw nararamdamang pagbabago si Jennylyn sa kanyang katawan sa first trimester ng pagbubuntis niya. Maya’t maya raw ay parang umiikot ang sikmura niya kaya nakakaramdam siya ng pagsusuka.
“Bigla na lang kasi nag-iiba ang feeling ko. Kaya para akong laging nasusuka. Mabuti na lang kanina, natapos na yung kinunan na scene kasi sumama ulit pakiramdam ko. Pero mabilis naman ako maka-recover. Uupo lang ako at okey na,” ang kuwento pa ni Jennylyn.
Hindi raw gusto ni Jennylyn ang amoy ng mga sabon na panlinis at panlaba. Nahihilo raw siya kapag nakakaamoy siya ng mga gano’n.
Aniya, “Mas naging sensitive ang pang-amoy ko talaga. Kapag nakaamoy ako ng mga sabong panlaba or mga panlinis ng sahig at banyo, bumabaliktad ang sikmura ko. Pero yung mga pabango, okey naman. Huwag lang yung may mga chemicals na panlinis.”
Nang usisain siya tungkol sa gusto niyang maging anak, sana babae raw dahil aayusan niya ang baby na parang manika. Pero halos lahat daw ng nakakakita sa kanya ay nagsasabing lalake raw ang ipinagbubuntis niya.
“As in lahat nang mga bumati sa akin na mga mommy na sinasabi na boy daw ang magiging baby ko,” ngiti ni Jen. “Nagtataka nga ako, paano nila nalalaman? Sinasabi nila na nag-iba raw ang hitsura ko. Kitang-kita raw nila na lalake ang magiging anak ko.
“Si Mama [Lydia Mercado] nga sinabi sa akin na ang panget-panget ko na raw. Siguro raw lalake ang magiging anak ko kasi parang umiitim ako. Naku, sayang naman ang pag-endorse ko ng MET kung iitim ako!” malakas na tawa pa ni Jennylyn.
Pinaiiral na naman ni Jennylyn ang kanyang professionalism sa trabaho kahit na maselan ang kalagayan niya. Ayaw naman daw niyang may mga maapektuhan dahil lang sa buntis siya.
“Ayoko naman na may masabi sila sa trabaho ko. Ayokong maging problema ako. Ito namang La Vendetta, commitment ko naman ito sa GMA-7. Nagpapasalamat nga ako sa GMA-7 kasi nagparamdam sila ng suporta sa akin at kay Patrick [Garcia]. Mabuti na lang at nakunan na ang mga last scenes ko kaya mapapanood pa nila ako sa huling week ng La Vendetta,” ang sabi pa ng first female winner ng Starstruck.
Magkakaroon din si Jennylyn ng anniversary-pre-Valentine show na magaganap sa Zirkoh Timog Avenue titled Thanks To You on February 2. Isang special show ito for Jennylyn dahil baka ito na raw ang huling pagkakataon na mag-live show siya dahil ang pagbubuntis na ang haharapin niya.
Ayon kay Jennylyn, “Noong December 2007 pa kasi naplano ang show na ito at nagkataon nga na may magandang nangyari sa akin sa pagpasok ng 2008. Kaya kasama iyon sa ipagpapasalamat ko sa ika-5th anniversary ko sa showbiz. Manood sila kasi baka ito na ang last time na mapanood nila ako sa stage na kumakanta.”
May ilang special guests si Jennylyn sa kanyang show pero mari-reveal lang daw iyon sa mismong gabi ng show niya sa Zirkoh. Sabay na rin ito ng promo niya para sa kanyang bagong album na produced ng GMA Records.
For tickets, tumawag lang sa 0918-9375216 or 486-6179.
- Jennylyn Mercado on almost bumping into ex-boyfriend Dennis Trillo at Golden Screen TV Awards: "Well, medyo may kaba ng konti, pero okay lang."
- Jennylyn Mercado and Luis Manzano almost bumped into Dennis Trillo at the Golden Screen TV Awards
- Jennylyn Mercado on Luis Manzano announcing they're now an item: "Hindi rin ako handa!"
- Jennylyn Mercado admits relationship with Luis Manzano is now "formal"; confirms Patrick Garcia has non-showbiz girlfriend
- Jennylyn Mercado on involvement in rumored separation of Raymart and Claudine: "Nakakahiya, nakakahiya talaga."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Whitney Houston dead at 48
- Madonna slams M.I.A. for her "teenage" antics at Super Bowl
- Marian Rivera: "Lahat na yata ibinigay na sa akin Lord... In return, ano ang dahilan para malungkot pa ako, magmaldita pa 'ko or ano pa?"
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
-
Couples
Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
Alice talks about the difficulties they encountered as married couple.
-
Theater
Cirque Mother Africa will be presented from April 19-22 at Resorts World Manila
Dancers, percussionists, singers, acrobats and contortionists will impress audiences with a unique African-themed spectacle.
-
TV Rating AGB
Kapuso programs sweep both daytime and primetime race.
-
Health and Beauty
Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
The Kapamilya actress believes that preparation is the key to fight ageing.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

