"Alam naman ninyong I accepted this after a thorough spiritual counseling. I'm a Born-Again Christian, and it should have a redeeming factor para magkaroon ng justification ang pagiging masama ng character na ginagampanan ko," explains Coney Reyes about her villain role in Ysabella.

Photo: Noel Orsal


Tiyak na matatagalan bago uli tumanggap ng isang contravida role ang aktres na si Coney Reyes. Pero it must be really good and much better than what she did in Ysabella, na mapapanood na ang final episode mamayang gabi, January 18.



"Napagod talaga ako," sabi ni Coney. "Hindi sa nagrereklamo ako, 'cause it's worth it. Napakaganda ng role na Victoria Amarillo, and I would love to do something as challenging as that again in the future, para pumayag ako for a contravida role.



"Alam naman ninyong I accepted this after a thorough spiritual counseling. I'm a Born-Again Christian, and it should have a redeeming factor para magkaroon ng justification ang pagiging masama ng character na ginagampanan ko," pahayag ng aktres.



Hindi naman daw komo strict ang religious beliefs niya, tumatanggi na siya sa contravida roles.



"Kailangan lang pag-aralang mabuti, para ma-convince ako. Sa age ko, I'm really very picky already. Kasi, I have to make the most out of it. Hindi naman ako palaging may teleserye. Once in a blue moon lang kaya give me something really worth my time and energy," paliwanag ni Coney.



Ang ibig sabihin ni Coney ay gaya ng Ysabella, na naiyak nga raw siya pagkatapos ng final taping nila. Mami-miss daw niya ang mga katrabaho niya rito, like Judy Ann Santos, Gina Pareño, Ryan Agoncillo, Derek Ramsay, Valeen Montengro, at iba pa.



"Yung mga bagets, makikita mong they did their best for the teleserye," kuwento ni Coney. "Nagtatanong sila, and they have so much respect sa gaya kong mas senior sa kanila. I guess, that's one thing na mami-miss ko sa kanila. Especially Juday, parang anak ko na ang turing ko riyan. Bata pa 'yan, katrabaho ko na, and itong Ysabella, pangalawang teleserye na namin ito sa Dos. I would love to work with her over and over again, basta ba maganda ang project."



Naging faithful si Coney sa characterization niya as Victoria Amarillo kaya emotionally draining sa kanya ang bawat pagtatrabaho.



"Mami-miss ko 'yon, yung mabibigat na eksena," banggit niya. "Just the same, time to rest for a while. I have to face other obligations until such time that there will be another acting job."



Dininig ng Panginoon ang dalangin ni Coney na matapos niya ang pagganap bilang Victoria Amarillo nang walang hassle.



"True enough, walang naging problema," sambit ni Coney. "Almost every taping, on time ako. Natutunan ko na talagang mag-adust ng tulog. Kung hindi ako kailangan sa eksena, I just sleep.



"Naging very erratic din ang time ng trabaho namin. Besides, natuwa ako dahil ang support ng Church sa akin for my portrayal, ganoon ka-strong. Talagang pinapanood din kasi nila ang pagkokontrabida ko, and they said, I did a wonderful job."