Multi-awarded director Joey Reyes is scheduled to sign a three-year movie contract with GMA Films tomorrow, January 24.

Photo: Noel Orsal


Nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balita na pipirma na ng three-picture exclusive contract sa GMA Films ang direktor na si Jose Javier Reyes bukas ng gabi, January 24. First project ng premyadong direktor ang Monster Mom, a co-production with Regal Entertainment na pagsasamahan ng mag-inang Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama.



Pagbibidahan naman ni Sharon Cuneta ang second project ni Direk Joey sa GMA Films. Hindi pa lang tiyak ang makakapareha ng Megastar sa naturang pelikula. Kay Direk Chito Roño kasi ibinigay ang Sharon-Richard Gomez project na Hula, pero malay natin at maiba ang desisyon ng film company.



For his last project, isang indie film na mala-Pare Ko (one of Direk Joey's best films) at pagbibidahan ng Studs ang kanyang gagawin. Pero may feeling ang PEP na madadagdagan ang movie assignment ni Direk Joey sa GMA Films na pinamamahalaan ni Annette Gozon-Abrogar at mae-extend ang kanyang kontrata.



Matagal nang nasusulat ang pagpirma ni Direk Joey sa GMA Films at bukas na ito magiging pormal. In fairness, hindi itinatanggi ng direktor ang tungkol dito ‘pag tinatanong. Laging "Sino'ng may sabi?" at "Wala akong kontrata sa Star Cinema at puwede akong gumawa ng pelikula kahit saang movie outfit" ang kanyang sagot.



Hindi lang yata alam ni Direk Joey na bukas, January 24, ang balik nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo mula sa U.S. premiere ng Sakal, Sakali, Saklolo at may victory party ang Star Cinema sa box-office success ng movie sa katatapos na Metro Manila Film Festival.

Hindi raw makakadalo si Direk Joey sa victory party dahil sabay ito sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA Films. Pero puwede siyang maglagare kung gugustuhin niya dahil magkalapit lang ang ABS-CBN at GMA Network.