Actor Mike Magat returns to the country after working in Japan
for five years. He recalls, "Nakaka-miss din ang mga nakagisnan mong trabaho. Nagsimula ako
kasi sa showbiz noong 1992 pa. Nasanay na tayo sa shooting araw-araw...."
Returning sexy actor Mike Magat wants to see grown-up Katrina Halili
Thursday, February 7, 2008
09:40 AM
Rating
Masuwerte ang muling pagbabalik sa showbiz ng dating sexy actor na si Mike Magat. Tatlo kaagad ang shows na lalabasan niya sa GMA-7. Una na rito ang Joaquin Bordado, pangalawa ang Babangon Ako't Dudurugin Kita, at pangatlo ang Kamandag.
Pero nilinaw ni Mike sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi naman kalakihan ang mga roles niya sa mga nabanggit TV shows. Pasulpot-sulpot lang daw siya pero nagpapasalamat siya at hindi siya nahirapan na maghanap ng acting job sa muling pagbabalik niya.
Aniya, "Natutuwa naman ako kasi mga limang taon din akong nawala sa sirkulasyon at nagtrabaho ako sa ibang bansa. Sa pagbalik ko, hindi ko naman binalak na umarte ulit. Gusto ko lang magnegosyo ulit at makasama ang pamilya ko rito. Malaki na kasi ang anak ko, e.
"Pero siguro nga may lugar pa tayo sa showbiz at noong may
makaalam na nandito ako, kinuha na ako mag-guest at nabigyan pa tayo ng mga
lalabasan na mga shows. Kaya heto umaarte ulit tayo," masayang sabi ni Mike.
Mga tatlong taon ding nagtrabaho sa Japan si Mike bilang lead vocalist ng isang banda roon. Okay naman daw ang kinikita niya, pero na-miss din daw niya ang showbiz.
"Nakaka-miss din ang mga nakagisnan mong trabaho," pag-amin niya. "Nagsimula ako kasi sa showbiz noong 1992 pa. Nasanay na tayo sa shooting araw-araw. Nagsimula tayo bilang stuntman, hanggang sa magbigyan ng chance na maging extra tapos makasama sa supporting cast at umabot ako sa pagiging lead actor. Marami akong pinagdaanan kaya hindi ko basta-basta makakalimutan ang showbiz."
Nakilala si Mike sa mga sexy films gaya ng Nights Of Serfina, Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga, Ang Babae Sa Bubungang Lata, Phone Sex, Pukyutan, Dalawang Pisngi ng Langit, Saranggani, Sekswal, Hubad Sa Ilalim ng Buwan, Mainit na Bala, Huling Birhen sa Lupa, at iba pa. Nakatambal niya sa mga pelikulang sina Rosanna Roces, Georgia Ortega, Rita Magdalena, Ara Mina, Camille Roxas, Aya Medel, at ilan pang mga dating sexy stars.
Kung may isang sexy star ngayon na gustong makita ulit ni Mike, ito ay walang iba kundi si Katrina Halili. Sabi ni Mike, nakilala niya si Katrina noong 16 years old pa lang ito at sobrang hilig na raw nitong mag-artista. Naisama pa nga raw niya ito sa kanyang mga shootings noon. Ngunit nang mangibang bansa si Mike ay hindi na sila nagkausap ni Katrina.
"Masaya ako sa nangyayari kay Katrina. Hindi ko akalain na magiging malaking artista siya. Noong makilala ko 'yan, wala pang StarStruck noon. Pero hilig na niyang mag-artista noon talaga.
"Gusto ko lang naman siyang makita ulit at i-congratulate.
Natupad na kasi ang mga matagal niyang pangarap. Sana nga, ngayong nagtatrabaho
na rin ako sa GMA-7, e, makasalubong ko naman siya para batiin ko siya. Siguro
naman kilala pa niya ako hanggang ngayon," pagtatapos ni Mike.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Comedian Betong Sumaya named Celebrity Sole Survivor
- Lea Salonga reveals her stand on OPM artists' call for "Filipino first" in the concert scene
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- AGB Nielsen Mega Manila People Ratings (Feb. 7-9): Survivor Philippines final week rule primetime; Eat Bulaga! still the undisputed No. 1 noontime show
- Carl Guevara on playing a ghost in My Beloved: "Parang first day-last day na agad?"
- Beauty queen Danielle Castaño on joining showbiz: "Sobrang I just want to experience how it is like in the industry... not only experience it, like feel that I'm working."
-
Couples
Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
Alice talks about the difficulties they encountered as married couple.
-
Controversies
Alice Dixson denies separation rumors anew
Alice Dixson says she and her husband have agreed not to have a baby.
-
Hobbies
Marian Rivera hopes to take culinary classes while working on My Beloved
She prefers to take a full-time school program over a quick crash course.
-
All About
Eugene Domingo: "I hope that the 'woman in the septic tank' gets to wear a gown and walk on the red carpet at the Kodak Theatre!"
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Part 2 Dolly Anne Carvajal on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue: "I stand by my story."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
Advertisement

