Irish Fullerton knows culprit behind Jay-R Siaboc's "attempted suicide" rumor

Julie Bonifacio
Saturday, February 23, 2008 @ 03:10AM  |  17526 views


Pinoy Dream Academy
's Irish Fullerton shows concern for Jay-R Siaboc and tells the rumormonger to shut up. "Tama na. Wala na akong ginagawa. Wala naman akong ginawa sa ‘yo. Pati si Jay-R, naaawa rin ako sa kanya dahil wala na siyang ginawa kundi magtrabaho nang magtrabaho. Dugo, pawis, at pagod, para sa pamilya niya."
Photo By: Noel B. Orsal













Naluluhang pinabulaanan ni Irish Fullerton ang kontroberysang lumabas na siya ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng nababalitang karelasyon niya at dating kasamahan sa Pinoy Dream Academy na si Jay-R Siaboc.

Nagpahayag ng matinding kalungkutan si Irish habang binibigay ang kanyang paliwanag tungkol sa isyu noong hindi sinasadyang matiyempuhan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ABS-CBN last Wednesday, February 20.

"Shocking," reaksyon niya sa isyu. "Dahil hindi totoo. Baka maiyak pa ako ngayon kapag kinuwento ko," pagpipigil niya sa sarili.

"Ang daming binabato sa akin," patuloy niya. "Habang nandito ako, ang dami nang lumalabas na puro masasama. Hinuhusgahan tuloy ako ng mga tao based on what's written. ‘Tsaka ako naman, usually, para hindi na lumaki ang gulo..." hindi na napigilan ni Irish na maluha nang sandaling iyon.


"Hindi ko na siya pinatulan para hindi na lumaki. Na parang one day, people are really gonna realize kung sino ako talaga. I mean, nakikita n'yo naman ako, talagang hindi ako nagbabago.

"Very frank akong tao, very blunt. I've never really hidden anything. Kitang-kita naman sa Pinoy Dream Academy pa lang... So, why all the issue?" may sama pa ng loob na tanong ni Irish sa amin.

Hindi naman daw nagagalit si Irish na siya ang itinuturong dahilan ng attempted suicide umano ni Jay-R.

"Hindi ako galit. Mas nasasaktan lang ako. Nasasaktan, kasi hindi totoo," ang nasambit ng dalaga.

Nakarating na rin daw sa parents niya na nasa U.S. ang mga malisyosong balita sa kanya rito. Naospital daw tuloy ng dalawang araw ang mama niya roon.

"Pati sila, apektado. Dahil sa mga balita sa akin dito," gumagaralgal pa dahil sa pagluhang banggit ni Irish sa amin.



IRISH KNOWS. Kilala ni Irish kung sino ang naninira sa kanya, pero ayaw niyang magbigay ng detalye kung sino ang taong ito.



"Ayokong sabihin kung sino. Pabayaan na natin. Ako, I'm not after revenge. I'm after the truth.Gusto ko lang talagang malaman ng tao kung sino ako. Na hindi ako yung mataray. Hindi ako yung desperadong tao. That's not me and it's so hard to show that on a daily basis," ang wika ng PDA alumna.

Nabanggit niya tuloy na ganito rin ang nangyari sa kanya last year, lalo na pagkatapos ng PDA. Marami raw talagang naninira sa kanya.

"As in nakakahiya, na. ‘Pag lalabas ako, feeling ko ang tingin ng tao sa akin, masamang-masama," ang sabi niya.

Dagdag pa ni Irish, "Ako po, napaka-down-to-earth. Ang number one sa akin, respeto. Kung nirerespeto mo ako, rerespetuhin din kita to the fullest. Alam ko rin naman where to draw the line. Alam ko ring magpakumbaba. Kaya ko yun. Alam ko yun, e. Pero kapag minamaliit na ang pagkatao..." naputol ng pagbuhos ng emosyon ni Irish ang sinasabi niya. "Parang sa lahat ng nangyari, puwedeng tama na?

"Alam ko kung sino ka," patama ni Irish sa naninira sa kanya. "Tama na. Wala na akong ginagawa. Wala naman akong ginawa sa ‘yo. Pati si Jay-R, naaawa rin ako sa kanya dahil wala na siyang ginawa kundi magtrabaho nang magtrabaho. Dugo, pawis, at pagod, para sa pamilya niya."

THE REAL DEAL. Napansin naming ang sobrang concern ni Irish for Jay-R, wala ba talagang namamagitang espesyal na relasyon sa kanila?

"Close lang kami na friends and wala talaga."

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name