Malungkot na isiniwalat ni Gemma Fitzgerald sa launching ng all-female group ng ABS-CBN Star Magic na Koolchix na break na sila ng boyfriend niya na si AJ Dee.
Isa si Gemma sa members ng Koolchix, kasama sina Cassandra Ponti (Pinoy Big Brother Season 1 housemate), Princess Ryan (Alwyn Uytingco’s girlfriend), Nina Dolino (na na-link dati kay Archie Alemania), Malaya Lewandowski (ang nobya ni Rafael Rossel) at Michelle Murenee (girlfriend naman ni Janus del Prado).
Conflict of schedule ang ibinigay na dahilan ni Gemma kung bakit nauwi sa hiwalayan ang almost one year nilang relasyon ni AJ. Nagsimula ang relasyon nina AJ at Gemma noong February 15, 2007.
“He’s very busy with many things, and I can’t blame him. Kaya lang ‘pag siya naman ang walang schedule sa work, I’m doing something naman for Koolchix,” panimula ni Gemma.
Si AJ daw mismo ang nakipag-break kaya lalong masakit para sa damdamin ng budding star na half-British and half-Australian.
“We just broke up this month, before Valentine’s day. But he sent me flowers during Valentine’s Day,” ang kuwento ni Gemma.
Nagkapalitan daw sila ng masasakit na salita noong huli nilang pag-uusap, kaya nagdesisyon na maghiwalay na lang. Aniya, “When you’re angry, there are things that come out na you don’t want to say. It’s but natural. But I still love him, although it’s not the same intensity as it used to be. Na-lessen na.”
At kahit pa nanunuyo muli ang kanyang ex-boyfriend, hindi masabi ni Gemma kung may pag-asa pang magkabalikan sila.
“Recently, he texts me everyday. He sends me letters. He’s doing everything for us to be together again. All of a sudden he finds time to all of these,” ang nakangiting sabi ng dating Pinoy Dream Academy scholar.
Nang tanungin kung may galit ba siya kay AJ, ang sagot ng dalaga ay, “I’m not angry. I have nothing against him. Wala akong ano…pero right now, gusto ko munang mag-rest ang heart ko. I want to be alone now.”
