Okey lang daw kay Jolo Revilla na kontrabida ang role niya sa bagong GMA sine novela na Kaputol ng Isang Awit. Pareho nga sila ng kanyang ka-loveteam na si Lovi Poe na magiging kontrabida versus tandem naman nina Glaiza de Castro at Marky Cielo.
Sey nga ni Jolo na noong sinabi sa kanya na kontrabida ang kanyang papel sa
naturang sine novela, hindi raw siya nagdalawang-isip dahil alam niyang
masusubukan ang pagiging aktor niya ngayon. Never pa kasi siyang gumanap na
kontrabida, at ito na raw ang pagkakataon niya na gawin iyon.
"Lahat naman ng roles, gusto kong gawin. Yun nga lang, minsan nali-limit ako sa
mga good boy roles lang. Siguro dahil nga anak ako ng isang senador kaya
kailangan mga wholesome roles parati.
"But I don't really mind doing character roles. Sabihin na natin na it will be
a big challenge for me. In the past kasi, puro mga comedy at teeny-bopper roles
ang nabibigay sa akin. ‘Tapos na ‘yon, e. Matured na tayo ngayon kaya I want
to experiment sa pag-arte. Hopefully, matanggap tayo sa ganitong mga roles."
Sa panliligaw niya kay Lovi, sinabi ni Jolo na mas lalo niyang nakikilala si
Lovi habang hinihintay niya itong sagutin siya. Ito rin daw ang first time na
naghintay siya nang matagal sa panliligaw sa isang babae.
"Nakatulong din naman iyon, kasi nga
mas nakilala ko si Lovi. Yung mga gusto at ayaw niya, alam ko. Kaya naiiwasan
na yung conflict sa amin.
"Lalo na ngayon na magkasama kami sa isang show, I will get to know her better
and deeper. Hindi naman kasi sapat yung three months na magkakilala kami. Mas
matagal na pagsasama, mas okey."
