Enjoy na enjoy ang PEP (Philippine Entertainment Portal) habang kausap si Yasmien Kurdi sa taping ng Babangon Ako't Dudurugin Kita na ginawa sa isang hospital sa Tanza, Cavite, noong Biyernes ng hapon, February 29. Lahat ng tanong ng PEP ay sinagot ng young actress—mapa-career, personal life, at pati pagkakaroon niya ng crush kay Robin Padilla.
Sinabi rin ni Yasmien na gusto niyang ihanap ng love life ang kanyang mga magulang na matagal nang hiwalay at parehong walang partner ngayon.
"Gusto ko kinikilig sila at masaya sila kahit iba ang partner. Kung mangyayari ‘yon, masaya na ako para sa kanila. Bata pa naman ang parents ko, 46 years old lang ang dad ko at 45 years old naman ang mom ko," lahad ni Yasmien.
Inamin din ni Yasmien na religion ang rason ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Muslim ang ama niya at Iglesia Ni Cristo naman ang kanyang ina. Ang relihiyon ng ina ang sinunod nin Yasmien, pero tanggap din niya ang pagiging Muslim ng ama.
Mahal ni Yasmien ang mga magulang kahit hiwalay na ang mga ito. Ang concern ng young actress sa health ng mga ito ang nasa Top 10 ng kanyang wishes.
Heto ang Top 10 wishes ni Yasmien:
- "Good health for my Mom."
- "Patuloy na magandang takbo ng career ko."
- "Sana makita ko si Angelina Jolie at ‘pag nangyari ‘yon, iha-hug at iki-kiss ko siya at sasabihan ko ng "I love you." Isa siyang malaking pangarap sa akin."
- "Sana maisama ko sa States si JC [de Vera] para makita siya nang personal ng fans namin at dream din niyang makarating ng States."
- "Wish ko rin ang magkaroon ng beach resort na kumpleto sa amenities. Dapat may breakwater na puwedeng mag-surfing at diving."
- "Good health also for my dad at sana, tumigil na siya sa pagyo-yosi."
- "Sana mag-rate lahat ang shows ko, lalo na ang Babangon Ako't Dudurugin Kita dahil first time namin sa primetime ni JC at papalit kami sa Marimar. Nakaka-pressure nga."
- "Sana malaman ko ang tama sa mali at ma-assure ang sarili kong pupunta ako sa heaven. Sana, makaharap ko si Lord sa dream ko para mag-sorry ako sa mga kasalanan ko."
- "Sana maging kasing-sexy ako nina Angelina Jolie at Jessica Alba na parehong may super hot body."
- "Sana meron akong asawa in the future na tulad ni Brad Pitt."
Samantala, nagkataon lang kaya na parehong back to school ang drama nina Yasmien at JC? Kung natuloy, nag-exam ang young actor para makapasok sa Open University ng University of the Philippines. Medyo ninenerbiyos na nga ang binata dahil three years na siyang hindi pumapasok sa eskuwela. Pero gagawan daw niya ng paraan para makapagpatuloy sa pag-aaral.
Si Yasmien nama'y kukuha ng entrance exam, kundi sa College of St. Benilde ay sa Ateneo para sa kursong International Studies. Kaya ito ang napili niyang kurso ay gusto niyang magtrabaho sa United Nations o sa Philippine Embassy.
"Para matulungan ko ang mga Pinoy na OFW na inaapi. Gusto ko nga superhero ako para marami akong matulungan," pagtatapos ni Yasmien.