Veteran actress Anita Linda gets to play the title role in the indie movie Adela, to be directed by Adolf Alix Jr.

Photo: Noel Orsal


Dahil sa big success ng Daybreak ng direcktor na si Adolf Alix, Jr., sinimulan na ng Bicycle Pictures ni Noel Ferrer ang second movie nilang may pamagat na Adela, a tribute film for veteran actress Ms. Anita Linda.

 

Ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na sinimulan na ang shooting ng indie film kahapon, March 9, sa Baclaran Church at lumipat sila sa Coastal Road.



Si Adolf pa rin ang direktor ng Adela, which he is also co-producing. Kasama rin sa cast sina Jason Abalos, Katherine Luna, Joem Bascon, at may special participation sina German Moreno, Ricky Davao, at Perla Bautista.



Matutuwa ang mga producer sa ibabalita ng PEP na kahit kasisimula pa lang ng Adela, marami na ang naghihintay sa pelikula. Also, kahit mga taga-entertainment industry, sumasang-ayon na right time na bigyan ng tribute film ang isa sa dakila at pinakamagaling na aktres ng Pilipinas na si Ms. Anita Linda.

 

Sana lang, hindi sa limitadong sinehan ito ipalabas para mas marami ang makapanood at mas makilala pa sa veteran actress.