No word yet from Aubrey Miles and Troy Montero about pregnancy issue

Ruel J. Mendoza
Wednesday, March 12, 2008 @ 07:21PM  |  26784 views

 

Since b0th Aubrey Miles and Troy Montero are not busy with their careers, observers thought this could be the right time for them to have their own family.

Photo By: Noel B. Orsal














May mga balitang dalawang buwang buntis na ang sexy star na si Aubrey Miles, at ang itinuturong ama ng kanyang baby ay walang iba kundi ang longtime live-in partner niyang si Troy Montero.

NOWHERE TO BE FOUND. Hinahagilap ngayon ng mga reporter at TV talk shows ang magkasintahan para linawin ang isyu, pero hindi sumasagot sa mga tawag sa kanila sina Aubrey at Troy.

Sa column naman ni Abu Tilamsik sa Abante Tonite, sinabi nitong maging ang manager nina Aubrey at Troy na si Dondon Monteverde at handler nilang si Paula Punla ay dinededma ng magkasintahan. Kaya tuloy kapag hinihingan ng pahayag sina Dondon at Paula tungkol sa balita, wala rin silang masabi, dahil wala silang kumpirmasyon o pagde-deny na nakukuha mula kina Aubrey at Troy. Hinihintay na lang nilang si Aubrey mismo ang magsalita tungkol sa kanyang maselang kalagayan.

FIRST OR SECOND? Siguro raw ay iniiwasan lang talaga ng magkasintahan na ma-interview dahil makakalkal na naman ang matagal nang nabaon na isyu about Aubrey.

Dahil kung totoo ngang buntis ito, kasunod na puwedeng itanong ay kung panganay niya ba ito o pangalawang anak.

Matatandaan kasing natsismis na noon na may itinatagong anak si Aubrey by ex-boyfriend JP Obligacion.


THE TIME TO RAISE A FAMILY. Sa kabilang banda, sa totoo lang ay hindi na dapat mahiya pa si Aubrey kung buntis man siya o hindi. Sobra-sobra na sa tamang edad sina Aubrey at Troy para magkaroon ng sariling pamilya.

Yaman din lang at hindi naman busy ang dalawa sa showbiz, mabuti na nga't mag-concentrate sila sa pagkaroon ng pamilya nila.

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name