"Nabigla ako, kasi idinikit talaga ni Paolo [Rivero] yung labi niya sa labi ko. Yung rehearsal kasi namin, fake lang, walang ganun. ‘Tapos nung take na, talagang nagulat ako sa ginawa niya. Gusto ko nga sana siyang itulak, e," Jiro Manio laughingly recalls the mouth-to-mouth scene with his co-actor.

Photo: Noel B. Orsal

Sa pelikulang Manay Po 2: Overload ng Regal Entertainment na showing na sa April 16, may "kissing scene" ang isa sa mga bida rito, ang young actor na si Jiro Manio, sa sexy actor na si Paolo Rivero.

 

"Si Paolo kasi yung swimming instructor namin. Crush ko siya sa movie. Nalunod ako sa pool, sinagip niya ako. ‘Tapos ayun, na-mouth-to-mouth resuscitation niya ako. Nagdikit talaga yung mga labi namin," kuwento ni Jiro sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, March 13, sa grand presscon ng pelikula na ginanap sa Imperial Palace, Quezon City.

 

Gumaganap sa pelikula si Jiro bilang si Orwell, bunsong anak na bading ni Cherry Pie Picache. Kinilabutan daw si Jiro sa "halikan" nila ni Paolo.

 

"Nabigla ako, kasi idinikit talaga ni Paolo yung labi niya sa labi ko. Yung rehearsal kasi namin, fake lang, walang ganun. ‘Tapos nung take na, talagang nagulat ako sa ginawa niya. Gusto ko nga sana siyang itulak, e," natatawang kuwento pa ni Jiro.

 

First time lang ni Jiro na gawin ang ganung eksena kaya talagang nailang siya.

 

"Pero kung babae ang kahalikan ko, kahit lips-to-lips pa talaga at kahit matagal, walang problema sa akin," natatawang sabi ulit ni Jiro.

 

HAPPY WITH GAYS. Habang nagbibinata ay lalong gumugwapo si Jiro. Kaya maraming bading ang nagnanasa sa kanya.

 

"Hindi ko alam kung maraming nagnanasa sa akin, pero thank you kung meron man talaga. At least type pala nila ako," pasalamat ni Jiro.

 

Wala pa bang bading na nanligaw sa kanya?

 

"Wala pa naman. May mga gay akong classmate. Minsan sinasabi nila na type daw nila ako, gusto nila akong maging boyfriend, ganun. Pero hindi ko sila siniseryoso, alam ko naman na biro lang nila yun, e."

 

Paano kung totoong type siya ng gay classmates niya at may manligaw sa talaga kanya?

 

"Ay, yun ang hindi pupuwede. Hanggang friends lang dapat," sagot ng batang aktor.

 

Hindi ba siya naiilang sa mga gay?

 

"Hindi naman. Ang mga gay kasi masasarap kasama. Masasayahin kasi sila, ‘di ba? Kung naiilang ako sa mga gay dapat wala akong naging kaibigang gay."

 

THE GIRLFRIEND. May girlfriend na ngayon si Jiro, 21 years old yung girl. Ayaw nga lang niyang banggitin ang name nito.

 

"Kung sino man siya, sa akin na lang yun. Basta magwa-one year na kami," sabi ng 15-year-old actor.

 

Nakilala raw ni Jiro ang girlfriend niya sa bahay ng isang kaibigan niya.

 

"Nung nakita ko siya, tinamaan agad ako sa kanya kaya niligawan ko siya."

 

Okey lang ba sa parents niya ang relasyon niyang ito?

 

"Okey lang naman sa kanila, lalo na sa daddy ko. Boto naman siya sa girlfriend ko. Kung saan daw ako masaya. Hindi siya tutol. Pero dapat daw alam ko ang limitations ko."

 

Puring-puri ni Jiro ang girlfriend niya.

 

"Mabait kasi siya. ‘Tapos lagi niya akong tinutulungan sa mga assignments at projects ko. ‘Tapos kahit pagod siya, 'pag niyayaya ko siyang magpunta kami sa TimeZone, sinasamahan niya ako."