"Binigyan kami ng apat na iba't ibang genre for a Saturday drama. Each weekend for four weeks, starting March 29, may isang drama or comedy or fantasy na magaganap," says KC Concepcion about her month-long TV special in ABS-CBN.

Photo: Noel Orsal


Ipinalabas sa The Buzz last Sunday, March 16, ang footages ng unang araw ng taping ni KC Concepcion para sa bago niyang programa sa ABS-CBN na I Am KC. It's a month-long special na magpapakita ng iba't ibang emosyon at karakter ni KC.



"Generally, meron kaming hiningi from ABS-CBN kung puwedeng mag-birthday offering because yun nga, sayang naman kung wala kaming offering sa audience sa April. Kasi [23rd] birthday ko April 7. So, ang ginawa ng ABS, binigyan kami ng apat na iba't ibang genre for a Saturday drama. Each weekend for four weeks, starting March 29, may isang drama or comedy or fantasy na magaganap," pahayag ni KC.



FIRST EPISODE. Ikinuwento ni KC ang kanyang role sa first episode ng programa niya na pinamagatang "Binibini."



"Isa siyang babaeng ano, parang palengkera na laging sumasali sa beauty contests, sa mga beauty pageants at yung nanay niya... may mga surprises na dadating sa buhay nila na hindi nila ine-expect. And doon mangyayari yung mga drama naman dun sa comedy," lahad ng Megadaughter.



Makakasama for the first time ni KC sa kanyang show si Ai-Ai delas Alas at ang leading man niya ay si Jake Cuenca. Ito ay mula sa direksiyon ni Wenn Deramas.



"Natutuwa nga ako kasi kasama namin dito si Ms. Ai-Ai delas Alas who is my super idol. Kasi sobrang favorite ko yung movies niya, especially with Direk Wenn. So just to meet Direk Wenn and Ms. Ai-Ai, makatrabaho and maging nanay ko pa, sobrang enjoy and first time ko ring mag-comedy kasi sa buong buhay ko," sabi ni KC.



DIFFERENT FACES. Iba't ibang mukha raw ni KC ang makikita ng buong sambayanan sa I Am KC.



"Dito po sa comedy, si Ms. Ai-Ai. Meron ding fantasy since pambata ‘yon, si Makisig [Morales] ang makakasama namin na hindi ko pa mami-meet. May isa pong musical na ang kasama po namin si Vhong Navarro. So, exciting talaga. Light romance, hindi pa po confirmed ‘yon at naghahanap pa po yata ng cast for that.



"Marami po akong natutunan talaga and sila po talaga yung nagbibigay sa akin ng inspirasyon, ng energy para gawin lahat ‘to. Dahil kung wala rin namang nanonood, ano pa yung work namin, di ba? Sila rin kasi talaga yung reason kung bakit ko naisip at napagdesisyunang pumasok talaga [sa showbiz]. Because kung wala naman sila, di ba, walang sense yung trabahong ito?" pahayag ni KC.



SEXY KC. Natanong din si KC tungkol sa kanyang pagpapaseksi sa isang billboard ng Bayo, kung saan naka-bathing suit siya. Natawa muna si KC sabay sabi ng "Controversial?"



Aniya, "Basta naisip ko na lang, okay I'm in my twenties, kung hindi ko pagawin yung bikini shoot ngayon, e, kailan pa? Saka never kong inisip talaga na magagawa ko yung shoot na ganun. Anyway, nasa beach naman kami and every woman should be proud of their bodies. I'm very happy na nagawa ko na ‘yon."



HARD TO FORGET. Sa huli, nilinaw ni KC ang bali-balita na seryosohan na ang panliligaw na ginagawa sa kanya ni Richard Gutierrez ngayon.



"Hindi ko alam!" tawa niya.



"No comment. No comment talaga! E, basta kung ano na lang po yung sinabi niya sa ibang shows, yun na lang po muna yun. Kasi pareho po kaming busy talaga. Although sobrang bait po niya talaga, and hindi po siya talaga papayag na malimutan siya. Yun lang ang masasabi ko.

 

"Talagang kung ikaw yung babaeng ‘yon, hindi mo talaga makakalimutan. Sinisiguro niya ‘yon kahit wala siya dito," saad ni KC.