Nang lumabas ang balita na balik-ABS-CBN management na raw si Jericho Rosales at iiwanan na nito ang bakuran ng Genesis (group ni Ms. Angeli Pangilinan-Valenciano na nagma-manage sa kanya), inisip agad ng iba na tiyak na kasama ng actor ang girlfriend na si Heart Evangelista sa pagbalik sa dating mother studio.
Nung makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Heart nung Linggo sa set ng ASAP 08, sinabi nitong sa Genesis pa rin sila nagpapa-manage ni Jericho at walang katotohanan ang kumakalat na balitang umalis na sila rito. However, kinumpirma naman ni Heart na wala silang pinipirmahan pang kontrata sa Genesis.
"Jericho and I are staying
with Genesis. It's not really about the contract, we work with them ‘coz
we're very happy with them. Wala kaming balak na umalis sa kanila. We're in
Genesis because of our relationship with them, because of their loyalty and
commitment."
Marami ang nagsasabi na naging stagnant daw kasi ang takbo ng career nina Heart at Jericho mula nang hawakan sila ng Genesis. Dinepensahan naman agad ni Heart ang akala na ito ng nakakarami.
"Well, I don't believe in that. I think dumating lang sa
point na marami kaming pinagdadaanan sa showbiz na nagkasabay-sabay. Now
we're much better, regular na uli ako sa ASAP, may soap na akong
sisimulan in ABS. Maybe in three weeks time, magte-taping na ako. It's still confidential but I'm with really good
stars. Kumbaga kailangan lang talaga ng time."
ECHO AND DAD. Open book ang matagal ding samaan ng loob na namagitan sa kanila ng kanyang pamilya partikular na ang kanyang butihing ama na si Mr. Reynaldo Ongpauco na nauwi rin naman sa pag-aayos.
"Okey kami. Kasama ko lang sila a few nights ago, ‘tapos
aalis kami ng mommy ko. Magbabakasyon kami kasi buntis ang sister ko sa States,
so pupunta ako run in three weeks time. Then, pagbalik ko magte-taping na
ako."
Sa kabila ng pagkakabati nila ng kanyang ama ay hindi pa rin pala personal na nami-meet ng kanyang daddy ang boyfriend na si Jericho. Positibo si Heart na magugustuhan naman nito ang boyfriend na si Jericho lalo't ang ikinaaayaw lang naman nito sa actor ay ang pagiging artista nito.
"Hindi pa sila nagmi-meet, pero may feeling naman ako na malapit na yun coz hindi na galit ang daddy ko. Tanggap na niya na may boyfriend na ako, they are not yet formally introduced to each other, pero darating din tayo riyan.
"Mabait si Echo, kailangan lang na mabigyan siya ng chance. ‘Di ako mabibigo ni Echo dahil mabuti siyang tao. Kaya alam kong magugustuhan siya. Masaya kami sa isa't isa kaya I'm sure it will end well. Maaayos yung mga nangyaring gulo sa pamilya ko.
"Wala naman siyang particular na inayawan kay Jericho, ayaw lang talaga ng daddy ko ng artista ever
since, even nung kami pa ni John [Prats]."
