Ngayong araw, March 19, muling dininig ang kasong isinampa ni Ai-Ai delas Alas laban sa lalaking nanakit diumano sa kanyang menor de edad na anak na lalaki. Nangyari ang pambubugbog umano sa loob ng isang convenience store kung saan nagtatrabaho ang lalaking akusado. Ito ang pangalawang pagkakataon na makakaharap ni Ai-Ai ang lalaking idinemanda niya.
Noong una nilang paghaharap, hindi kinaya ni Ai-Ai na tingnan ang mukha ng taong sangkot sa pananakit umano sa kanyang anak.
"Hindi ko pa siya nakikita kasi hindi ko siya tinitingnan. Mga kasama ko lang ang nakakakita sa kanya at sa picture niya sa NBI [National Bureau of Investigation] ko lang siya nakita. And, para wala na rin akong magawa at masabi na hindi maganda, kasi kilala ko ang sarili ko, so, iiwas na lang ako," pahayag ni Ai-Ai sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday sa taping ng ASAP 08.
Sa mismong pagdinig ngayong araw na ito, muli na namang pinili ni Ai-Ai na huwag tingnan nang harapan ang lalaking idinemanda niya.
Nalaman din ng PEP from Ai-Ai na nag-counter charge pala ng kasong perjury o pagsisinungaling under oath ang lalaking idinemanda nila.
"Oo, lahat kami," kuwento ni Ai-Ai. "Ah, natural lang naman yun kasi wala naman silang pwedeng isampa na counter kundi yun. Yun ang pinakamababang uri ng counter."
Kinumusta namin ang kalagayan ngayon ng anak niya.
"Normal life naman. But still, bata yung nasaktan. And hindi lang yun, nahusgahan, alam mo na. Hindi naman lahat ng tao para sa akin... Siyempre yung iba hindi naman nila alam yung totoong nangyari. So, yung kanila, bali-balita na lang."
AI AI AND KC. On a lighter side, pinakuwento namin si Ai-Ai sa first encounter nila ni KC Concepcion sa taping ng I Am KC.
"Adopted daughter ko siya. ‘Tapos mahilig siyang sumali sa beauty contests kasi gusto niyang mag-artista. Ayoko siyang suportahan kasi natatakot ako na makita siya ng tunay niyang magulang," pagsa-summarize ni Ai-Ai ng role niya at kuwento ng episode nila ni KC.
Nabalitaan naming personal choice daw siya ni KC at favorite talaga siya ng anak ni Megastar Sharon Cuneta.
"Oo, ang tawagan nga namin ‘Faves,' dahil favorite namin ang isa't isa. Yun ang tawagan namin sa taping. Akala nga nila, ‘Babes,'" natatawang pahayag pa niya.
Ano'ng masasabi niya kay KC?
"Si KC, napalaki ng tama ng mommy niya. Napakabait na bata. Napakabuti. Sana hindi siya magbago. Napakagalang at napaka-professional ng bagets. And in fairness, ang taba ng luha niya. Parang gripo kung umiyak yung bagets."
Paano niya ira-rate si KC bilang artista?




