PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiko Melendez and Ara Mina both open to private reconciliation

Aiko and Ara both say it is better to patch things up without the media.
by Nerisa Almo
Published Mar 24, 2008
Aiko Melendez (left) and Ara Mina (right), both of whom Jomari Yllana had a relationship, are still waiting for the right timing to iron things out between them. "Kung magkita kami sa isang lugar and makapag-usap kami, then why not, di ba? Kasi sobrang tagal na nung aming issue," says Aiko.

Nauna nang nagpahayag si Aiko Melendez ng kanyang intensyon na ayusin ang isyu sa pagitan nila ni Ara Mina. Bunga diumano ito ng pagkaka-link ni Jomari Yllana kay Ara na naging dahilan ng paghihiwalay nina Jomari at Aiko.

Matatandaan na sinabi ni Aiko sa Showbiz Central noong March 9, "I guess kung siguro napakaliit ng mundo ng show business, di ba? Kung magkita man kami [ni Ara] and willing siyang makipag-usap sa akin because this is so passé, di ba? 2008 na, di ba? We should all move on and I have moved on." (Click here to read the article)

Ganito rin ang tono ni Aiko sa exclusive taped interview ng The Buzz na ipinalabas kahapon, March 24. Para sa kanya, gusto na rin daw niyang tuldukan ang kung anumang isyu meron sa kanila ni Ara.

Ayon kay Aiko, "I cannot say right now kasi magiging plastik naman ako kung ano, di ba? Pero ako, nandun na ako sa punto na nakalimutan ko na and I have moved on already. Kung magkita kami sa isang lugar and makapag-usap kami, then why not, di ba? Kasi sobrang tagal na nung aming issue. So, I think, you know, kailangan na naming pagpahingahin ang yung isyu."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hiwalay na panayam ng The Buzz, hindi naman sigurado si Ara sa kanyang magiging reaksiyon kung sakaling magkaharap nga sila ni Aiko.

"I cannot say I'm really ready," sabi ni Ara. "Kumbaga, parang tingnan na lang natin yung mismong time na magkikita kami. Doon ko mapi-feel kung ano talaga yung reaction ko, e. Kumbaga, nag-heal na yung wound pero nagkaroon na ng scar."

Gayunman, pareho naman ang naging opinyon nina Aiko at Ara sa nais nilang pag-aayos ng isyu—ayaw nilang ipaalam sa media.

Para kay Aiko, "Gusto ko, kung mag-uusap kami, walang media. Kaming dalawa lang para masabi namin kung anong gusto naming sabihin sa isa't isa."

Si Ara naman, mas gusto niyang kusang malalaman na lamang ng media kung sakaling magbati sila ni Aiko. Aniya, "Darating na lang yun, mangyayari't mangyayari. Hindi na kailangan i-announce. Hayaan na lang natin na mabalitaan n'yo na nagkabati, di ba?"

POPS OVER ARA. Samantala, sa interview ni Aiko sa Showbiz Central, nabanggit niya na gusto niya si Pops Fernandez para kay Jomari. Ngunit agad niyang nilinaw na hindi dahil sa hindi niya gusto si Ara, kundi wala silang pagkakataong magkausap tulad ng nangyari sa kanila ni Pops.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling pagpapaliwanag ni Aiko sa The Buzz, "But that doesn't mean na yung mga ex ni Jomari ay may hindi ako nagustuhang ugali or anything. Kami lang talaga ni Pops ang nabigyan ng pagkakataon."

Hindi naman maiwasang magbigay ng pahayag si Ara nang tanungin siya ng The Buzz ukol dito. Sa halip na sagutin ang pahayag ni Aiko, ito ang naging sagot ni Ara: "Happy na ako sa buhay ko. Kumbaga, may kanya-kanya kaming buhay."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez (left) and Ara Mina (right), both of whom Jomari Yllana had a relationship, are still waiting for the right timing to iron things out between them. "Kung magkita kami sa isang lugar and makapag-usap kami, then why not, di ba? Kasi sobrang tagal na nung aming issue," says Aiko.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results