No stunt doubles for Robin Padilla in "Joaquin Bordado"

Rommel Gonzales
Tuesday, March 25, 2008 @ 03:33PM  |  10 views

 

Despite the injuries and death-defying experiences in Joaquin Bordado's dangerous action scenes, Robin Padilla still refuses to use a stunt double.

Photo By: Noel B. Orsal













Hindi na mabilang ang mga aksidenteng tinamo ni Robin Padilla para lamang mapaganda niya ang action-adventure program niyang Joaquin Bordado ng GMA-7.

THE INJURIES SO FAR. Ilan na rito ang muntik na niyang pagkahulog in a rappelling scene, at ang muntik nang pagbagsak sa kanya ng pinto ng isang kotseng pinasabog sa isang blasting scene.

Bukod pa rito ang pakikipaglaban ni Robin sa isang buhay na tigre, na dahil hindi nagpa-double ang action superstar ay siya mismo ang nakagat ng tigre!

Muntik na ring malingkis si Robin ng isang pagkalaki-laking sawa sa isang eksenang kinunan for Joaquin Bordado. Apat na tao ang nakakabuhat sa naturang sawa, proof na mala-higante nga ito.

May isa ring eksena na walang pakialam na nakipagkarera si Robin sa isang eroplanong tumatakbo sa runway ng airport. Sa lakas nga ng hangin mula sa mga propellers ng naturang eroplano ay halos liparin si Robin.

Nawakwak naman ang kamay ni Robin sa isang motorcycle scene na kung saan supposedly ay babanggain niya ang isang pinto para bumukas. Hindi agad bumukas ang pinto, kaya napilitang mag-menor si Robin mula sa napakabilis na pagpapatakbo ng motorsiklo na siyang naging dahilan para sumemplang siya at tumalsik mula sa motor. Pagbagsak ni Binoe ay tumama ang kanyang kamay sa isang matalim na bagay kaya nasugatan siya.

A few weeks ago nang naganap ang aksidenteng ito, at naghilom na ang sugat sa kamay ng action star, pero kamakailan lamang, muling dinala si Robin sa ospital dahil sa patuloy na pananakit ng kanyang likod bunga ng pagtilapon niya mula sa motor at pagbagsak sa semento.

Tsinek-up siyang muli sa St. Luke's hospital to make sure na walang permanente at grabeng damage na idinulot ang aksidenteng iyon kay Robin. Two days and one night nag-stay si Robin sa ospital para ma-monitor ang kanyang kundisyon.

FEARLESS. Madalas na ngang nati-tense ang executive producer ng Joaquin Bordado na si Joseph "Otep" Buncalan dahil nga walang-takot si Robin na sumabak sa mga delikado at death-defying stunts.

Ayaw ni Robin ng stunt double. Gusto nito na siya mismo ang gagawa ng kanyang mga stunts and action routines. Palagi ngang nakaistambay lang at nakatunganga ang mga kinuhang double ni Robin sa set. Hindi naman sila nagagamit dahil nga tila walang-takot makipaglaro sa kamatayan ang action superstar.

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name