Camille Prats and husband Anthony Linsangan talk about their newly baptized son


 
"Ang mapa-promise ko kay Nathan, kami ng daddy niya will always be here for him no matter what. And we will always try to give him what's best for him at hinding-hindi kami mawawala sa likod niya at susuportahan namin siya sa lahat ng gusto niya. We will always be here to protect and love him," says Camille Prats about her son, Nathaniel Caesar.

Camille Prats and husband Anthony Linsangan talk about their newly baptized son

Balot Antazo

Rating


Proud parents Camille Prats and Anthony Linsangan welcomed their baby, Nathaniel Caesar or Nathan, to the Christian world at Christ The King, Green Meadows, Pasig City last March 29.

 

Family and friends in and out of showbiz were there to witness the baptism of baby Nathan with Father Arman Tangi, a close friend of Prats family, as the officiating priest. Nathan, the first grandchild on both sides of his family, is considered a very lucky boy.

 

Among the celebrity godparents who attended the baptism were John Prats (Camille's elder brother), Shaina Magdayao, Bubbles Paraiso, Brian Revilla, Marco Alacaraz, Ryan Yllana, and Direk Mike Tuviera. Godparents din sina Lucky Manzano, Paolo Contis, at Anne Curtis, but unfortunately ay hindi sila nakadalo sa binyagan due to previous commitments. All in all ay 15 ninangs ang 15 ninongs daw ang napili ng mag-asawang Camille at Anthony para tumayong pangalawang magulang ng kanilang anak.

 

Ang ina ni Camille na si Mrs. Alma Prats ang may buhat sa two-month-old na si Nathan pagpasok sa church. Masayang-masaya nitong ipinapakita sa mga bisita ang malusog at cute na apo. During the sacred ceremony of baptism ay napansin naming good boy talaga si Nathan dahil narinig lang naming siyang umiyak nang buhusan na siya ng holy water ng pari.

 

MOMMY CAMILLE. Abalang-abala naman si Camille sa pag-entertain ng mga bisita habang buhat-buhat ang kanyang little angel. Bakas na bakas ang kasiyahan ng young actress dahil finally ay magiging ganap na Kristiyano na ang anak nila.

 

"We're just very, very happy sa pagdating ni Nathan sa buhay namin ni Anthony," pahayag ni Camille sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "He is truly a blessing and God's gift to us. He is giving us so much joy kaya naman masasabi kong sobrang fulfilled na ako as a woman. Ang sarap ng feeling to be a mom and I'm so thankful dahil napakabait na bata ni Nathan. We really have a beautiful family.

 

"Ang sarap, siyempre we're very excited because this is the first time na all our family and friends are coming together to meet the baby. ‘Tapos ngayon ko lang din sila makikita lahat after I got back from the States, so siyempre sobrang excited.

 

"Ang mapa-promise ko kay Nathan, kami ng daddy niya will always be here for him no matter what. And we will always try to give him what's best for him at hinding-hindi kami mawawala sa likod niya at susuportahan namin siya sa lahat ng gusto niya. We will always be here to protect and love him."

 

Promise naman ni Anthony sa kanyang mag-ina: "Magtatrabaho akong mabuti para sa kanila and I promise to take care and love them always."

 

Sina Camille at Anthony ang personal na nag-asikaso para sa binyag ng kanilang anak. From the church to the reception ay sila ang nakipag-usap at nag-asikaso ng lahat. Sobrang hands-on sila dahil gusto nilang maging sagrado at makasama ang lahat ng taong nagmamahal sa kanila at sa kanilang anak na si Nathan.

 

"Sobrang hands-on kami sa preparations ng binyag ng anak namin," sabi ni Camille. "From every little detail, to venue, catering, church inasikaso talaga namin. Light blue ang napili naming motif."

 

BIGGEST BLESSING. Sa lahat ng nangyari sa buhay ni Camille, ang pagdating sa buhay niya ni baby Nathan ang isa sa pinakamalaking blessings sa kanya.

 

Binanggit din ni Camille ang ilang traits na nakikita niya sa anak this early.

 

"He is very jolly, napakamasayahin niyang bata," very proud na sabi ng dating child star. "He doesn't cry, he rarely cries and he is always smiling. At four in the morning, tumatawa na siya, kaya ako, kahit puyat-puyat pa, ‘pag nakita mo na yung smile niya, magigising na ako, naglalaro na kami. Kahit madaling-araw nilalaro na namin siya ng daddy niya.

 

"Sobrang mabait na bata si Nathan, yun ang isa sa mga sobrang thankful ako na ganoon siya. Kasi when I was pregnant, the first few months, medyo nandun yung umiiyak ako kasi it was very hard at first siyempre. When my family found out, when I told everyone about my situation, mahirap. Pero tinapangan ko yung loob ko saka dinadasal ko na sana hindi makaapekto sa kanya [Nathan]. I tried not to cry or to be depressed because I know it affects him somehow, so I'm just thankful na hindi yun nakaapekto sa bata," kuwento ni Camille.

 

Dagdag ni Camille, tuwang-tuwa rin daw ang kanyang Mommy Alma at Daddy Dondi sa unang apo nila.

 

"Sobrang saya nila!" bulalas ng young actress. "Very excited sila lalo na nung dumating na kami ng Pilipinas [from Los Angeles]. Sobrang proud sila sa kanilang apo. Sobrang lokang-loka sila. Five AM pa lang, kumakatok na sila sa kuwarto to get Nathan para ilipat sa kuwarto nila or ibababa at paaarawan. So yun ang sistema namin sa house."

 

GODPARENTS' WISH. Message at wish nina Ninong John at Ninang Shaina sa kanilang inaanak na si Nathan: "Sana lumaking malusog, mabait na bata, at maging God-fearing si Nathan."

 

Mensahe naman ni Daddy Dondi: "Congratulations, Camille and Tonton, ngayong nasa Christian world na si Nathan, sana palakihin n'yo siya nang mabuti at naaayon sa mabuting asal at pag-uugali."

 

THE RECEPTION. After the baptism of Nathan ay sa Blue Leaf Silk Pavilion sa McKinley Hill Village, Taguig, ginanap ang reception. Ilan sa mga dumating pang bisita nina Camille at Anthony ay sina John "Sweet" Lapus, Carlene Aguilar with baby Calix Andreas, Raymond Gutierrez, and Melissa Avelino.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement