Returning actress LJ Moreno denies "Bilmoko Girl" tag

Ruel J. Mendoza
Monday, March 31, 2008 @ 10:50AM  |  27 views

 

LJ Moreno clears herself of the accusations that her being materialistic is the reason behind her breakup with cager boyfriend Jimmy Alapag.

Photo By: Ruel J. Mendoza














Isang exclusive na interview ang binigay ni LJ Moreno sa Showbiz Central regarding sa issue na isa raw siyang "Bilmoko Girl" kaya siya iniwan ng kanyang basketball cager boyfriend na si Jimmy Alapag.

Sa kanyang naging interview, sinabi ni LJ na mutual ang naging desisyon nila ng kanyang boyfriend na si Jimmy na maghiwalay sila dahil ayaw na nilang lumaki pa ang problema nila at baka umabot pa raw sa point na mawalan na sila ng respeto sa isa't isa.

Nilinaw ni LJ na hindi issue ang pagiging materialistic daw niya dahil never naman siyang nanghingi ng kung anu-ano kay Jimmy.

"I will admit na he spoiled me with material things na hindi ko naman hinihingi from him," sey ni LJ. "Jimmy is a very generous person. He would buy me gifts talaga at minsan nagugulat na lang ako.

"But never akong nag-demand ng anything from him. Sa mga taong nakakakilala sa akin, lalo na ang mga close friends ko at pamilya ko, alam nila na hindi ako materyosong tao. Kita n'yo naman how simple my lifestyle is. Hindi ako maluhong tao.

"Kung meron man akong magagandang gamit, I worked for it naman. I teach pre-school children at The Little Gym at The Fort. May magandang trabaho ako kahit wala ako sa showbiz.

"Plus I am taking up my master's degree in special education at De La Salle University. I pay for my tuition kaya paano nila masasabing ‘Bilmoko Girl' ako, ‘di ba?

"It's unfair sa mga lumabas na balita about me pero I kept quiet kasi alam ko at ng mga malalapit sa akin ang totoong dahilan ng breakup ko with Jimmy. I'm talking now because I need to defend myself na."

Bago mag-Pasko last year nag-break sina LJ at Jimmy pero noong February lang pumutok ang balita. Nanahimik si LJ dahil ayaw niyang lumabas na bitter siya sa naging ending ng relasyon nila ni Jimmy. Ang tunay na dahilan nga ng paghihiwalay nila ay ang mabuking niya si Jimmy na may ibang babae.

"Actually, that was the second time na nahuli ko siya na may ibang babae. Noong first time kasi, nagde-date pa lang kami. Hindi pa kami nagkakaroon ng serious relationship so I let that pass. Pero nitong huli, three years na kaming may relasyon and I caught him with another girl.

"Ang nakakainis pa is that this girl [na ayaw pangalanan ni LJ dahil isa itong starlet mula sa isang TV network], according to my sources, ay may boyfriend din na niloloko niya. So ano ba ‘yon, ‘di ba? Pero Jimmy denied everything. Hindi raw totoo iyon and the girl was just a friend.

"Pero noong maghiwalay na kami, the last I heard kay Jimmy is that he's still seeing this girl nga. Marami nang mga kaibigan ko ang nakakakita sa kanila at may mga pictures pa silang naka-post sa isang home page yata. So, lahat noong dini-deny niya noon ay totoo. I made a good decision of ending our relationship. Siguro nga we weren't really meant to be."

Para kay LJ ay no second chances na in case balikan siya ni Jimmy. Ayon kay LJ ay wala na raw siyang nararamdaman para sa kanyang ex-boyfriend at nakapag-move on na siya.

"The last time I bumped into Jimmy, as in wala na yung feeling. Parang talagang nawala na siya sa sistema ko. Noong first month na naghiwalay kami, umiyak ako talaga because three years kami, e. Pero totoo pala na when you've decided to move on, tuluy-tuloy na ‘yon.

"Naging malaking tulong din ‘yung naging active ako spiritually. May mga friends ako na nag-invite sa akin sa mga Bible studies and I really enjoyed the company. Kasi walang negative vibes. Instead nga raw na maging bitter ako, I will turn that negative energy into something positive and worthwhile.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name