Cristine Reyes disproves rumors she's the latest "Wowowee" co-host


Cristine Reyes watched Wowowee with friends and remained in the audience during the airing of the show. She was acknowledged by Wowowee host Willie Revillame.
 

Cristine Reyes disproves rumors she's the latest "Wowowee" co-host

Rommel L. Gonzales

Rating

Maaga pa lang ay nakita na namin si Cristine Reyes sa studio ng ABS-CBN 2 kung saan ginanap ang Wowowee kaninang tanghali, Lunes, March 31.

 

Kaya bigla tuloy naming naisip na baka totoo nga ang kumakalat na tsismis na si Cristine ang ilo-launch na bagong female co-host ni Willie, kasabay ng unveiling ng bagong set ng naturang noontime show.

 

Kaya tinanong agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cristine kung siya na ba ang latest addition sa mga babaeng hosts ni Willie tulad nina Valerie Concepcion, Precious Lara Quigaman, at Mariel Rodriguez.

 

"Hindi po, hindi talaga! Manonood lang kami ng show, hindi ako host," natatawang sinabi ni Cristine.

 

Pero hindi namin agad pinaniwalaan si Cristine kaya hinintay namin ang pagsisimula ng show at nag-stay kami hanggang matapos ito.

 

Habang naroon kami, napansin namin na mas maganda ngayon at mas class ang bagong set ng naturang noontime show.

 

At hanggang natapos ang Wowowee, hindi nag-host si Cristine. Nasa audience lang ito at nanonood kasama ang mga kaibigan niya.

 

Pero in-acknowledge siya ni Willie at ang katabi ni Cristine sa upuan na si Nadia Montenegro na nanood din with her friends.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement