PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ynna Asistio insists Mark Herras is just a close friend

Mark made Ynna and Nadia wait because of the on-line game DOTA.
by Rommel R. Llanes
Published Mar 31, 2008
"Sobrang close na kami ni Mark [Herras] bilang magkaibigan, yung tropa na talaga kami, kaya hindi ko po alam kung ano ang mangyayari kapag nanligaw siya sa akin," says Ynna Asistio.

Nagulat kami nang nakatabi namin sa upuan sa studio ng ABS-CBN 2 na nanonood ng Wowowee si Ynna Asistio, ang teenager na anak ni Nadia Montenegro.

It turned out, may mga sinamahan si Nadia na mga kaibigan niya na manood ng noontime show ni Willie Revillame at isinama na rin nito si Ynna.

Sinamantala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon na matanong si Ynna kung totoong nanliligaw sa kanya ang Bad Boy of the Dance Floor na si Mark Herras.

"Hindi po, hindi po! Magkaibigan lang kami," bulalas ng 16-year-old. Pero inamin ni Ynna na madalas sa bahay nila si Mark.

"Very close naman po talaga kami, kaya madalas siyang mag-hang out sa bahay namin. Kapag nandun siya, wala lang po, tambay-tambay lang, kumakain, ganun lang po," saad pa ni Ynna.

Naging close sina Ynna at Mark noong magkasama sila sa GMA-7 show na Mga Mata ni Anghelita. Tinanong namin si Ynna kung hindi ba sila naglalaro ng computer games na siyang hilig ni Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siya po, mahilig mag-DOTA [Defense of the Ancients, an online network game]. Madalas nga po, pinaghihintay niya kami ni Mommy. Na sasabihin niya, parating na siya, yun pala nagdo-DOTA pa siya," natatawang kuwento ni Ynna.

Tinanong namin siya kung may chance ba na sagutin niya si Mark kapag nanligaw na ito sa kanya pagdating niya ng 18 years old.

Sa edad na yun pa lang kasi papayagan si Ynna na tumanggap ng mga manliligaw.

"Hindi ko po masasagot yan. Kasi po, sobrang close na kami ni Mark bilang magkaibigan, yung tropa na talaga kami, kaya hindi ko po alam kung ano ang mangyayari kapag nanligaw siya sa akin.

"Basta ngayon po, magkaibigan kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Ynna Asistio, Mark Herras
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sobrang close na kami ni Mark [Herras] bilang magkaibigan, yung tropa na talaga kami, kaya hindi ko po alam kung ano ang mangyayari kapag nanligaw siya sa akin," says Ynna Asistio.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results