Four days after losing her apartment unit in Mandaluyong to fire, sexy comedienne Angelica Jones appeared on Showbiz Central to show her determination to move on with her life.
Angelica lost almost all of her money and belongings last Wednesday, March 26. At her March 30 appearance in Showbiz Central host Pia Guanio asked how she was holding up.
"Ito, trying to move on," replied Angelica describing how she is feeling after the tragedy.
Angelica recalled what she did after the incident. She narrated, "After nung masunugan kami noong gabing yun, pumunta ako ng Baclaran church, nagsimba ako, nagpasalamat ako sa Diyos dahil, thank God, buhay pa rin kami ng mama ko. Pero hindi ko makalimutan yung araw na yun na nasunugan kami para maka-move on ako. Kapag nakikita ko yung VTR [of the fire] na 'yan, nandun yung trauma pa rin, e, nandun pa rin yung takot ko."
TRAUMATIC EXPERIENCE. Angelica admitted that the incident affected her life now. According to the actress, she was traumatized with the fire accident that nearly killed her and her mother.
She related, "Kasi tulog ka, paggising mo, hindi mo alam ang gagawin mo. Ang laki-laki ng apoy, mausok, hindi mo alam kaya everytime na matutulog ako, gusto ko may katabi ako, ayaw ko patay ang ilaw. Alam mo yun, lahat konektado. Pero mabait talaga si Lord sa amin dahil iniligtas niya kami.
"Masakit doon, thirteen years kong pinaghirapan sa showbiz... Yung nakita ninyong apartment na 'yon, thirteen years na akong nakatira doon. Noong tumira ako doon, karton pa lang yung inuupuan ko, plastic yung kinakainan ko. Sabi ko sa sarili ko, ‘Magsisikap ako sa pag-aartista, mamahalin ko ang trabaho ko.' Sinabi ko sa sarili ko na, ‘Mapupuno ko ng appliances 'to, mapupuno ng gamit.' Pero sa isang iglap, lahat ng pinaghirapan ko sa showbiz for thirteen years nawala.
"Pero sinabi ko na lang na siguro walang temporary na gamit sa mundong ito. And ang importante, hindi kami nawala ng mama ko, hindi kami nasunog ng mama ko at saka ng sister-in-law ko."
A MIRACLE? While Angelica's belongings slowly turned into ashes, she was surprised that her collection of saints' images was not damaged at all.
"Yung mga santong 'yon, inipon namin ng ilang years. Yung Sto. Niño, Mahal na Birhen ng Amorseco, Saint Fatima. Kasi ang ginagawa ko, nagko-collection ako ng mga santo. Nagtataka nga ang mama ko, bakit daw yung mga pictures ko hindi naka-album, yung mga picture ng mga santo ko, naka-album."
Angelica believes it was all a miracle. "Yes, miracle talaga yung santo kong 'yon. At saka nagpapasalamat ako talaga sa mga nagbigay ng santo sa akin, sa Kapampangan para sa Birhen ng Amorseco, na na-save yung life namin."
MOVING ON. Angelica currently lives with her brother in City Homes, Quezon City. At the same time, she is also looking for a new place to live. But she's fearfully cautious now.
"Tinitingnan ko muna kung okay ba 'to, safe ba 'tong house na 'to dahil na-trauma na ako, e. Ayaw ko nang maulit pa ulit yung nangyari sa amin, e."
As she searches for a new place, Angelica hopes to move on.
She bravely stated, "Hindi ako sumusuko. Katulad ng after the election, ang dami kong trials, di ba? Naloko ako, naubos yung money ko, and then, ngayon itong nasunugan. Kahit ang daming trials na dumating sa buhay ko, hinding-hindi ako bumibitaw kay Lord.
"Every day, I keep praying, na alam kong mahal ako ng Diyos, sinusubukan lang Niya ako kung gaano ako katatag. Pero ngayon, mas lalong napalapit ako kay Lord. Ngayon ko lang na-realize kung gaano ako kamahal ng Diyos dahil hanggang ngayon buhay pa rin kami."
START OF NEW LIFE. When asked what she realized after this incident, Angelica just thought of it as one of the tests that she has to go through.
She further explained, "Siguro sinusubukan ako ni Lord kung gaano ako katatag dahil alam ni Lord na may faith ako kay God. And siguro sinusubukan niya kung sisisihin ko ba si God o sisisihin ko ba ang ibang tao. Pero wala akong sinisisi na ibang tao, kundi nagpapasalamat ako dahil buhay kami dahil ang bagay puwede mong palitan 'yan; pero ang buhay ng tao, hindi na puwedeng ibalik."
And her advice to people who will experience a similar tragedy: "Ngayon ko na-relaize na habang nabubuhay ka, habang kasama mo yung mahal mo sa buhay, gawin mo na kung anong gusto mong gawin, magsaya ka na kung anong gusto mong [paraan para] magsaya. Alam mo yun, hindi mo masasabi, e. Ngayon masaya ka, lahat mayroon kang bagay na gusto mo; bukas, hindi mo alam wala ka na pala."
Now that she is slowly moving on with her life, how does Angelica plan to start a new life?
"Parang iisipin ko na lang na bagong Angelica Jones na nag-uumpisa ulit sa showbiz, na mas healthy naman ako, wala naman akong sakit, na mas magpo-focus ako sa trabaho ko. Magtratrabaho ako at mag-iipon ako dahil naniniwala ako na ibabalik sa akin ni Lord ang mga nawala sa akin dahil alam ko mahal ako ng Diyos."