Gabby Concepcion more excited to work in ABS-CBN than do movies

Rose Garcia
Wednesday, April 02, 2008 @ 01:01PM  |  22779 views

 

"All Gabby wants now is to be able to work in television. Na-miss niya ito at kung sakali man daw na may offer na ngang bagong script ang GMA Films, puwede na rin niya itong gawin," says a source from Star Cinema about comebacking actor Gabby Concepcion.

Photo By: Courtesy of ABS-CBN














Simula nang dumating sa bansa ang dating matinee idol na si Gabby Concepcion noong March 30, kasabay ng mainit na pagtanggap sa kanya ng maraming fans na nasabik sa pagbabalik niya after 13 years ay ang iba't ibang intriga rin na naghihintay ng kasagutan mula sa kanya.

Bukod sa sinasabing mga nabinbin na kaso ni Gabby sa bansa nang umalis siya noong 1995 at ang kanyang unresolved conflict with ex-wife Sharon Cuneta, nandiyan din ang bagong kinsasangkutan niyang isyu kaugnay ng paggawa niya ng pelikula sa GMA Films opposite Jolina Magdangal. Hindi itinuloy ni Gabby ang naturang proyekto dahil hindi niya raw nagustuhan ang script.

At ngayon, Gabby, along with his new manager Mrs. Rose Flaminiano of FLT Films, signed an exclusive two-year contract with ABS-CBN and Star Cinema. Sa nakaraang live interview ni Gabby sa The Buzz last Sunday, pinatotohanan din niya ang balitang Kapamilya na siya.

Kasunod ay ang sinasabing bukod sa mga series of teleseryes na gagawin ni Gabby for the Kapamilya network and an episode for Maalaala Mo Kaya ay ang first movie project niya sa Star Cinema, that will pair him up with another comebacking actress, Claudine Barretto.

CONTRACT WITH GMA FILMS. Obviously, mukhang dito nagsisimula ang sinasabing possible conflict ni Gabby sa GMA Films naman. Hindi lang kasi word of honor ang pinaghahawakan ng GMA Films kundi ang kontratang pinirmahan nito wherein he's supposed to do the film Love Cruise (naging I.T.A.L.Y).

Lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ng ilang executives ng GMA Films, particularly nina Ms. Annette Gozon-Abrogar and Mr. Joey Abacan. Sinabi nila na nakasaad sa kontrata ni Gabby sa kanila na hindi maaaring gumawa ng pelikula ang aktor outside GMA Films, not until he's finished doing his first movie for them.

Although mismong si Gabby ang direktang nagsabi sa The Buzz na he will honor whatever commitment he has with GMA Films, malaking tanong pa rin sa marami na kung ganoon pala, paano makakagawa ng movie si Gabby sa Star Cinema kung sakali't hindi pa siya mabibigyan ng movie offer ng GMA Films after niyang tanggihan ang unang in-offer sa kanya?

Dahil dito, tinanong ng PEP ang isang influential person from Star Cinema tungkol sa kontrata ni Gabby sa GMA Films at sa Star Cinema. Tinanong din ng PEP ang naturang source kung ganoon ngang hindi pala pupuwedeng gumawa sa ibang film outfit si Gabby, not unless nakagawa siya sa GMA Films, ibig bang sabihin nito ay naka-hold indefinitely ang movie na pagsasamahan nina Gabby at Claudine?

Ayon sa PEP source, "Matutuloy pa rin ang movie ni Gabby with GMA Films because he will honor it. Whatever happens, iho-honor ni Gabby ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA Films. Yun nga lang, umaasa si Gabby na mabibigyan din siya ng magandang script na siyempre pa'y makakapasa sa panlasa ng dating matinee idol at ng kanyang manager."

Dagdag pa ng source, sa ngayon, all Gabby wants daw talaga is to be able to work. But more than movies, mas excited daw talaga si Gabby to work in ABS-CBN again.

Naikuwento raw kasi ni Gabby na marami sa mga kakilala at kaibigan nito sa Amerika ang nagsasabi na muling gumawa ng TV show at nae-excite sa idea na mapanood nilang muli si Gabby in any TFC shows.

"All Gabby wants now is to be able to work in television. Na-miss niya ito at kung sakali man daw na may offer na ngang bagong script ang GMA Films, puwede na rin niya itong gawin," pahayag ng source.

Samantala, wala rin daw problema sa Star Cinema kung mauna mang gumawa ng movie si Gabby sa GMA Films at naniniwala silang iho-honor nga ni Gabby ang pinirmahang kontrata rito.

Ayon pa sa source, posibleng two weeks from now ay magsimula nang mag-taping si Gabby for his Maalaala Mo Kaya (MMK) episode. Maaaring kasabay na rin nito ang pag-i-start naman niya ng taping for his first teleserye after his 13-year absence.

Ayon sa usap-usapan ay si Gabby ang magiging leading man ni Bea Alonzo sa Betty La Fea, pero hindi pa kumpirmado ang balitang ito.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name