"Cristy, sana matuto ka na.
Madala ka na... Ang daming mga artista, marami
siyang tinitirang mga artista na nagti-text sa akin na tuwang-tuwa sila sa nangyari.
Kasi sila, kasi hindi sila puwedeng lumaban kasi nga mahaba ang proseso ng ano, di ba?" was Annabelle Rama's (right) message to Cristy Fermin (left) after winning the libel case Annabelle filed against the TV host-columnist.
Annabelle Rama forgives Cristy Fermin but asks her to pay P1million
Tuesday, April 8, 2008
06:13 PM
Rating
Ilang araw nang laman ng mga babasahin at usap-usapan ang pagbaba ng desisyon ng Supreme Court sa libel case na isinampa ng mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez laban sa TV/radio host at kolumnista na si Cristy Fermin. Ito ay kaugnay ng isinulat noon sa Gossip tabloid ni Cristy na kaya raw umuwi ng Pilipinas ang pamilya Gutierrez ay dahil may tinatakbuhan silang estafa case sa Amerika.
After 13 years, ibinababa na ang hatol. Mula sa pagkakakulong ay pinagbabayad na lamang si Cristy ng halagang isang milyong piso.
Sa unang pagkakataon, isiniwalat ni Annabelle ang kanyang saloobin sa pagkakapanalo sa kaso sa mismong program na kaparte si Cristy bilang isa sa mga host, ang The Buzz, last Sunday, April 6. Si Boy Abunda ang nag-interview kay Annabelle.
"Siyempre, haping-happy ako, Boy, kasi meron pa palang hustisya sa atin. Umiiral pa rin pala ang hustisya sa atin. At least, napatunayan ko sa lahat ng nakabasa doon sa kanyang kolum na hindi totoo ang mga sinasabi niya. Kaya naman ako nagagalit that time... Ipinaglalaban namin ni Eddie ang case na ‘to kasi nga involved na nga ang pamilya ko. Involved si Eddie, si Ruffa, ‘tapos mga kambal ko [Richard and Raymond] dati, mga three years old lang sila. Parang naawa ako sa pamilya ko talaga. Parang hindi tama yung ginagawa sa amin na talagang below the belt," lahad ni Annabelle.
Dagdag ni Annabelle, okay lang daw sa kanya ang constructive criticisms. Pero yung below the belt at imbento, ibang istorya na para sa kanya.
"Sobrang-sobrang happy ako!" ulit niya. "Sobrang-sobra talaga ang pasasalamat ko. Nagsindi ako ng kandila. Sa lahat ng simbahan, nagpadala ako ng donation ‘tsaka yung mga message. Basta ang dami kong ginawa for this week kasi talagang sobra-sobra. ‘Tsaka nakapag-shoot na ako ng bago kong commercial kaya sana suwertehin ako all the way. Magsu-shooting ako ng Monster Mom [her movie with Ruffa] ko next week kaya talagang ano pa, di ba?"
Sabi ni Boy kay Annabelle, ganun daw talaga kapag umuulan, may kasama itong bagyo dahil may dahilan.
Sabi ni Annabelle, "Marami nga ang nagti-text sa akin na bakit hind kayo mag-file ng motion, motion sa Supreme Court na ipaglalaban mo. Ang batas nung araw, may kulong na three years. Ay, sabi ko naman, e, siguro nga bakit ako... Para sa akin, Boy, buwenas na ako ngayon, e. Suwerte na ako, e, bakit pa ako hihirit na ipakulong?
"E, binabati naman din niya [Cristy] ako maski kunyari plastikan. E, di okey lang din sa akin, di ba? At least, binabati niya ako, Boy. Kaya sabi ko naman, okay lang yun. Okay lang, wala akong problema run. Ayaw ko na rin mag-file.
"Kaya Cristy, bayaran mo na ang isang milyon sa amin, ‘Day. Kailangan ko lang ng pera, ‘Day. Maraming mga bouncing cheques sa akin kaya kailangang-kailangan ko ng pera," dire-diretsong sabi ni Annabelle.
Pagkatapos nito ay humirit pa si Annabelle ng message kay Boy para kay Cristy.
"Ang message ko kay Cristy Fermin, Cristy, sana matuto ka na. Madala ka na. Sana lahat kasi... Actually, Boy, ang daming mga artista, marami siyang tinitirang mga artista na nagti-text sa akin na tuwang-tuwa sila sa nangyari. Kasi sila, kasi hindi sila puwedeng lumaban kasi nga mahaba ang proseso ng ano, di ba?
"Sana Cristy, matuto ka na. Huwag ka nang... Kung sumulat at least dahan-dahan lang, huwag yung pabigla-bigla. ‘Tsaka, you know, huwag mo namang siraan ang isang tao na below the belt. Puro pang-imbento. Kasi kawawa naman kami. Siya, may radio siya, may diyaryo. Kawawa yung mga artista na hindi puwedeng lumaban, di ba, Boy? Yun lang ang advice ko kay Cristy, dahan-dahan ka sa pagsusulat mo.
"Ngayon, pinapatawad na kita maski hindi ka pa nagso-sorry sa akin. Pero sa diyaryo kaninang umaga, parang nagso-sorry na rin siya sa pagsusulat niya kaya okay na rin sa akin," pahayag ni Annabelle
CRISTY REACTS. Humabol sa last gap ng The Buzz ang reaksiyon at tugon si Cristy bilang sagot sa mga sinabi ni Annabelle.
Kasama ni Cristy sa stage sa kanilang pamamaalam sa show last Sunday ang iba pang hosts ng The Buzz na sina Boy, Ruffa, Phoemela Baranda, at Jobert Sucaldito nang kunan siya ng maikling pahayag ng mga kasamahan niya sa programa.
"Alam ninyo, lahat na kapag ka may dumarating na artista dito o sinumang personalidad, ang turing ko sa The Buzz ay isang tahanan. Ako ang dinatnan, may mga bisitang pumapasok at sa kulturang Pilipino, yung mga dinadatnan, yung mga pumapasok na bisita ay nirerespeto natin.
"Lahat ng sinabi ni Tita Annabelle kanina ay nirerespeto ko. Sabi ko nga sa ‘yo, Boy, nandiyan pa rin ang kaso. May karapatan pa rin ako na ipagtanggol ang aking sarili, nadiyan pa rin, hindi pa rin natutuldukan ang dokumento. Pero isang bagay lang po, mga kaibigan, lagi akong naniniwala mula sa isang negatibong bagay, nakakakuha po tayo ng positibo.
"Si Tita Annabelle po kapag hinahalikan ko, hindi niya inaalok ang kanyang pisngi, pero hindi niya ako iniiwasan. Nung pumunta si Tito Eddie dito nung birthday celebration ni Ruffa, tinanong niya ako, ‘Crtisty, kumusta ka na?' kasabay ang isang mahigpit na yakap na parang wala nang hangin sa pagitan namin.
"Sa akin po, noon pa man, tapos na ito. Sa loob ng labintatlong taon, parang malaking sword, isang malaking punyal po ito na anumang oras ay puwedeng bumagsak sa ulo ko. Araw-araw sa ginawa ng Diyos, ang parusa po ay kulong.
- Nadia Montenegro slaps three more cases against Annabelle Rama; both camps refusing to settle
- Annabelle Rama explains why she blew her top again at Nadia Montenegro in court
- Annabelle Rama blows her top at court hearing with Nadia Montenegro
- Annabelle Rama explains move to have Vic del Rosario co-manage her children's endorsements
- Annabelle Rama files theft complaint against Nadia Montenegro; says their legal battle is just an "appetizer"
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzares on the new SPG rating for TV
- Louise delos Reyes and Enzo Pineda to go on a Valentine date via Skype
- Jon Hall on his new romance: "I've had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."
- Mikael Daez keeps his shirt on in new series
- For Jennica Garcia, it's career first before love life
- Whitney Houston dead at 48
-
Theater
Cirque Mother Africa will be presented from April 19-22 at Resorts World Manila
Dancers, percussionists, singers, acrobats and contortionists will impress audiences with a unique African-themed spectacle.
-
In Focus
John Lloyd Cruz chooses to keep silent about Shaina Magdayao
John Lloyd: "I am indeed better than ever."
-
Travels
Derek Ramsay and Angelica Panganiban in South Africa!
Angelica singles out this trip for bringing her and Derek closer.
-
Fashion
She reveals plan to put up a vintage store.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

